Paano Itinatatag ang Doktrina?
Ang doktrina ay dumarating ngayon na katulad noong unang panahon—sa pamamagitan ng banal na paghahayag sa mga propeta.
Bilang mga Banal sa mga Huling Araw, “naniniwala kami sa lahat ng ipinahayag ng Diyos, sa lahat ng Kanyang ipinahahayag ngayon, at naniniwala rin kami na maghahayag pa Siya ng maraming dakila at mahahalagang bagay hinggil sa Kaharian ng Diyos” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:9).
Tungkol sa kaugnayan ng paghahayag sa doktrina, sinabi ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Sa Simbahan ngayon, tulad noon, ang [pagtatatag] ng doktrina ni Cristo o pagwawasto ng mga paglihis sa doktrina ay inihahayag ng langit sa mga taong pinagkalooban ng Panginoon ng karapatan bilang apostol.”1
Yamang paghahayag ang paraan para maiparating ang doktrina sa mga propeta, tagakita, at tagapaghayag, bawat isa sa atin ay maaari ding makatanggap ng ating sariling patunay na ang mga doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo ay totoo. Ang personal na paghahayag na ito ay dumarating sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aaral ng banal na kasulatan, at patotoo ng Espiritu Santo. Ipinapakita natin na tinatanggap natin ang doktrina ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagsisisi, pagpapabinyag, pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo, at patuloy na pagsunod sa mga batas at pagtupad sa mga tipan ng ebanghelyo habang tayo ay nabubuhay.
Ang sumusunod na tsart, batay sa mensahe ni Elder Christofferson sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2012, ay nagpapakita kung paano itinatatag ang doktrina.2