2013
Parating Na ang Kumperensya
Setyembre 2013


Parating Na ang Kumperensya

Parating nang muli ang pangkalahatang kumperensya, ang panahon na ibinabahagi ng mga lider ng Simbahan ang salita ng Panginoon sa mga miyembro. Tulad ng sabi ng Panginoon, “Maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38). Narito ang isang karanasan mula sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2013:

Kumperensya sa Dagat ng Galilea

Mga 60 estudyante mula sa Brigham Young University Jerusalem Center for Near Eastern Studies ang nagtipon sa baybayin ng Dagat ng Galilea noong Abril para panoorin ang sesyon sa Linggo ng umaga ng pangkalahatang kumperensya. Isang live Internet broadcast ng pulong ang ipinakita sa gilid ng isang kubol na di-kalayuan sa tubig. Nasa Galilea ang mga estudyante bilang bahagi ng 10-araw na biyahe nila sa rehiyon. Pinasalamatan at pinahalagahan nila ang kabuluhan ng kaganapan.

Sinabi ni Jennie Smithson, isa sa mga estudyante, na nakamamanghang “maturuan ng mga propeta at apostol sa mga huling araw habang iniisip ang mga apostol noong araw na tinuturuan ni Cristo sa baybaying ito mismo.”

Tanawin mula sa BYU Jerusalem Center.

© IRI