2014
Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
Nobyembre 2014


Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya

Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan mula sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya ay maaaring gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Tagapagsalita

Kuwento

Neil L. Andersen

(28) Pinalakas ni Neil L. Andersen ang patotoo ng isang returned missionary tungkol kay Joseph Smith.

M. Russell Ballard

(89) Binalaan ng isang guide sa ilog ang mga namamangka na “manatili sa bangka” habang naghahanda silang dumaan sa mabibilis na agos ng tubig.

David A. Bednar

(107) Matapos magamot ang kanyang maliit na galos, ginamot din ng anak ni David A. Bednar ang kanyang mga kaibigan sa gayong paraan.

Linda K. Burton

(111) Tinapos ng isang full-time missionary ang kanyang misyon nang may dalisay na damdamin matapos ibigay ang kanyang puso, kakayahan, pag-iisip, at lakas sa Panginoon.

Tad R. Callister

(32) Binago ng ina ni Ben Carson ang buhay niya. Natutuhan ng isang batang babaeng Lebanese ang ebanghelyo mula sa kanyang ina. Itinuro ng mga magulang ni Tad R. Callister ang ebanghelyo sa kanya.

Craig C. Christensen

(50) Sinabi ng ilang deacon kung bakit nila hinahangaan si Pangulong Monson. Nagkaroon ng patotoo si Craig C. Christensen sa pamamagitan ng pag-aaral ng Aklat ni Mormon.

D. Todd Christofferson

(16) Sinabi ni King Henry V sa kanyang mga tauhan na bawat isa ay mananagot sa kanyang sarili. Pumayag ang isang lalaking tumangging pangalagaan ang kanyang sarili na dalhin siya sa isang sementeryo.

Quentin L. Cook

(46) Nangatwiran si Lucy na tauhan sa komiks na Peanuts sa hindi niya pagsalo sa mga bola. Nagpasiya ang isang binatilyo nang hindi tugma sa kanyang mga mithiing magmisyon at makasal sa templo. Sa pakikipagkita sa isang college coach, tumibay ang desisyon ni Quentin L. Cook na sundin ang payo ng kanyang ama.

Dean M. Davies

(53) Sinagip ng Simbahan at ng mga miyembro nito sa Pilipinas ang mga miyembro at di-miyembro pagkaraan ng isang mapaminsalang bagyo.

Cheryl A. Esplin

(12) Nalaman ng isang lider ng Young Women ang tungkol sa nagbibigay-kakayahang kapangyarihan ng sakramento. Nagsimba ang isang 96-na-taong-gulang na lalaki para makabahagi ng sakramento.

Henry B. Eyring

(59) Tinulungan ng isang bagong binyag ang batang si Henry B. Eyring at ang kanyang kapatid na maghanda para sa paglilingkod sa priesthood. Nagpakita ng tiwala ang ama at bishop ni Henry B. Eyring sa kanya nang hingin nila ang tulong niya. Nagpakita ng tiwala ang isang senior home teaching companion sa anak ni Henry B. Eyring.

(70) Ipinagdasal ng ina ni Henry B. Eyring na marinig niya ang salita ng Diyos sa kanyang payo. Tumanggap ng paghahayag ang mga pinuno ng Simbahan sa Idaho, USA, na tulungan ang mga biktima ng baha. Sa pamamagitan ng paghahayag, nalaman ng asawa ng isang lalaking tumanggap ng kapangyarihang magbuklod na ang kanyang asawa ay tinawag ng Diyos.

Eduardo Gavarret

(37) Noong full-time missionary siya, may natutuhan si Eduardo Gavarret tungkol sa pagsunod sa tinig ng Tagapagligtas. Tinularan ng mga magulang at kapatid ng isang 14-na-taong-gulang na dalagita sa Uruguay ang kanyang halimbawa at sumapi sila sa Simbahan. Tinanggap ng mga magulang ni Eduardo Gavarret ang mga missionary at ang kanilang mensahe.

Carlos A. Godoy

(96) Para matanggap ang mga pagpapalang ipinangako sa kanyang patriarchal blessing, hinangad ni Carlos A. Godoy, sa suporta ng kanyang asawa, na maragdagan ang kanyang pinag-aralan.

Robert D. Hales

(80) Nagkaroon ng patotoo ang batang si Robert D. Hales nang malaman niya ang tungkol sa Diyos mula sa kanyang mga magulang, guro, banal na kasulatan, at Espiritu Santo.

Jeffrey R. Holland

(40) Nagbalik si Thomas S. Monson mula sa Germany na naka-tsinelas matapos ipamigay ang kanyang sapatos at ekstrang amerikana at mga polo.

Larry S. Kacher

(104) Natangay ng malakas na alon si Larry S. Kacher at ang kanyang asawa ngunit nakarating sila sa pampang sa tulong ng langit. Gumawa ng mga pasiya ang dalawang lalaki na umakay sa kanilang mga pamilya palayo sa Simbahan. Napagpala ng mga biyenan ni Larry S. Kacher ang kanilang mga inapo dahil ipinamuhay nila ang ebanghelyo at itinuro ito sa kanilang mga anak.

Jörg Klebingat

(34) Pinayuhan ni Jörg Klebingat ang isang sister sa Ukraine Kyiv Mission na huwag pahadlang sa kanyang mga kahinaan.

Neill F. Marriott

(117) Nilisan ni Neill F. Marriott ang templo na nababatid na maaari siyang magtiwala sa Tagapagligtas. Hinikayat ng anak na babae ni Neill F. Marriott ang kanyang pamilya na magdasal nang mawala ang kanyang kapatid na lalaki. Binigkas ng 900 na kabataang babae sa Alaska ang saulado nilang “Ang Buhay na Cristo.”

Hugo E. Martinez

(102) Naglingkod si Pangulong Monson sa isang ama na ang anak ay maysakit. Nagdala ng tubig ang kalalakihan sa pamilya Martinez pagkaraan ng bagyo.

Thomas S. Monson

(67) Tumama ang isang torpedo sa timon ng barkong-pandigmang Bismarck, kaya hindi na ito makaliko sa tinatahak na landas.

(86) Pinuntahan nang madalas ng mga miyembro ng Simbahan sa Canada ang isang nandayuhang mag-asawang German para makabahagi sila sa kapayapaang nadarama roon.

Russell M. Nelson

(74) Matapos operahan si Pangulong Spencer W. Kimball, tumanggap ng patotoo si Russell M. Nelson na magiging propeta si Pangulong Kimball.

Dallin H. Oaks

(25) Dahil sa pagtitiis at kabaitan ng kanyang asawa, nagpasiyang magpabinyag ang isang lalaking hindi miyembro.

Allan F. Packer

(99) Habang nakatuon sa pagsisibak ng kahoy, nalimutan ng bata pang si Allan F. Packer na alisan ng takip ang kanyang palakol.

Boyd K. Packer

(6) Naunawaan ng isang babae na nabayaran na ng Tagapagligtas ang malaking pagkakasalang ginawa sa kanya.

L. Tom Perry

(43) Ipinaalala ng isang apo ni Pangulong Harold B. Lee sa kanyang ina na mahalagang manalangin bago matulog.

Lynn G. Robbins

(9) Tinanong ni Pangulong Boyd K. Packer si Lynn G. Robbins kung saan siya nakatuon, at ipinaalala sa kanya na kinakatawan niya ang propeta sa mga tao.

Jean A. Stevens

(114) Kumapit nang mahigpit ang mga magulang ni Jean A. Stevens sa kanilang mga tipan at pagmamahal sa Panginoon. Naghanda ang mga kabataang babae para sa mga tipan sa templo.

Dieter F. Uchtdorf

(56) Pinagtuunan ng pansin ng isang lalaki ang isang dandelion sa bakuran ng kanyang kapitbahay. Isang magnanakaw sa bangko ang nagpahid ng lemon juice sa kanyang mukha, sa paniniwalang hindi siya makikita kapag ginawa niya ito. Sa isang ward na tila matatag, 11 mag-asawa ang humantong sa diborsyo.

(120) Tinulungan ng mga visiting teacher ang isang ina na mag-isang nag-aaruga sa dalawang anak na maysakit.