2014
Ministering Resources Magagamit na sa mga Council
Nobyembre 2014


Ministering Resources Magagamit na sa mga Council

Makaka-access na ang mga miyembro ng stake at ward council sa bagong web page ng Simbahan na tinatawag na Ministering Resources, sa ministering.lds.org, upang tulungan ang mga indibiduwal at pamilya sa kanilang temporal at espirituwal na pangangailangan, kabilang na ang mahirap at sensitibong mga bagay. Maa-access ito ng mga taong may kasalukuyang tungkulin sa mga stake at ward council sa pamamagitan ng kanilang LDS account.

Ang mga resources na makukuha lamang dati ng mga bishop at stake president ay na-update at pinalawak na may partikular na patnubay kung paano tutulungan ang mga biktima ng pang-aabuso, mga may problema sa adiksyon, mga nagdadalantao na walang asawa, gumagamit ng pornograpiya, mga naaakit sa kapwa nila lalaki o kapwa babae, at mga nagigipit sa pera at nahihirapan o walang trabaho.

Sa ilalim ng pamamahala ng bishop, maaaring gamitin ng mga ward council ang Ministering Resources para pag-usapan ang kapakanan ng indibiduwal at mga pamilya na sakop ng ward.

Print