Magsisimula ang mga Pagbabago sa Debosyonal ng mga Young Adult sa Enero
Ibinalita ng Unang Panguluhan at ng Church Board of Education ang pagbabago ukol sa dalas, lokasyon, at paglalathala ng mga debosyonal para sa mga young adult, simula Enero 2015. Kabilang sa mga pagbabago ang:
Pangalan: Pandaigdigang Debosyonal para sa mga Young Adult: Isang Gabi Kasama si (pangalan ng tagapagsalita).
Dalas: Tatlong beses sa isang taon, sa ikalawang Linggo ng Enero, sa unang Linggo ng Mayo, at sa pangalawang Linggo ng Setyembre.
Dadalo: Lahat ng young adult, may-asawa at walang asawa, ay inaanyayahang dumalo. Ang mga estudyanteng magtatapos na sa high school o katumbas nito ay inaanyayahan ding dumalo.
Lokasyon: Idaraos ang mga debosyonal ng Enero sa Brigham Young University sa Provo, Utah; sa BYU–Idaho; o sa BYU–Hawaii. Ang mga debosyonal ng Mayo ay idaraos sa Conference Center sa Salt Lake City o sa ibang mga site sa headquarters ng Simbahan. Ang mga debosyonal ng Setyembre ay idaraos sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos.
Paglalathala: Sa Loob ng ilang araw pagkatapos ng bawat debosyonal, ang mga mensahe sa teksto, ang audio at video format ay makukuha sa Ingles sa LDS.org at sa Gospel Library app, sa isang bagong koleksyon ng Young Adult. Kasunod nito ang mga bersyon sa ibaʼt ibang wika. Ang buod ng mga mensahe ay isasama sa Liahona, at ibaʼt ibang sipi, larawan (memes), at mga video ay mapapanood nang live at pagkatapos ng debosyonal sa mga social media channel ng Simbahan, kabilang na ang social pages ng tagapagsalita.
Ang mga tagapagsalita ay patuloy na pipiliin ng Unang Panguluhan mula sa mga General Authority at pangkalahatang pinuno ng Simbahan.
Ibinalita ang mga pagbabago sa mga young adult sa CES devotional noong Nobyembre 2, 2014, at sa mga lider ng priesthood sa isang liham ng Unang Panguluhan noong Agosto 28, 2014 na kinapalooban ng 2015 Iskedyul ng Brodkast.