May Makukuhang Tulong para sa mga Apektado ng Adiksiyon ng Isang Mahal sa Buhay
Ang mga mag-asawa at pamilya na apektado ng pag-uugali ng isang adik o lulong na mahal sa buhay ay maaaring pumunta sa bagong online guide para mabigyan ng tulong, pag-asa at paggaling.
Ang Spouse and Family Support Guide, na nasa AddictionRecovery.lds.org, ay nilayon upang tulungan ang mga asawa at kapamilya na mapagaling sa hirap na dulot ng mga hamon na nararanasan nila dahil sa pag-uugali ng mga mahal sa buhay na adik o lulong sa droga, alak, pornograpiya, o iba pang nakapipinsalang mga bagay o gawi. Bukod sa Ingles, ito ay makukuha kalaunan sa wikang Espanyol, Portuges, French, Italian, German, Russian, Chinese, Japanese, at Korean.
Ang gabay ay nahahati sa 12 bahagi na nakatuon sa pagpapagaling, pagkakaroon ng ibayong pag-asa, at lakas sa pamamagitan ni Jesucristo.
Maraming ibinigay na praktikal na mga mungkahi, tulad ng kung paano magtatakda ng mga limitasyon at patakaran, paano tatalakayin sa mahal sa buhay ang tungkol sa adiksyon at paggaling, at paano angkop na tutugon kapag bumalik ang adiksyon.
Ang gabay ay ginagamit sa talakayan sa mga kumpidensyal na support group meeting para sa asawa at pamilya na iniaalok ng LDS Family Services. Maaari din itong gamitin para sa personal na pag-aaral o gamitin ng mga lider ng Simbahan kapag nag-iinterbyu at nagpapayo.