2015
Ang Mabuting Pastol
Hunyo 2015


Oras para sa Banal na Kasulatan

Ang Mabuting Pastol

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Sabay-sabay na pag-aralan ang Bagong Tipan sa taong ito!

Isang araw isinalaysay ni Jesus ang isang kuwento (o talinghaga) tungkol sa isang pastol na lubos na minahal ang kanyang mga tupa kaya handa siyang ibuwis ang kanyang buhay para protektahan ang mga ito. Tulad tayo ng mga tupa sa kuwentong iyan. At ang pastol ay tulad ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Tinatawag Siya kung minsan na Mabuting Pastol.

Ipinakita ni Jesus ang Kanyang pagmamahal nang dalhin ng ilang magulang ang kanilang mga anak upang makita Siya. Sabi Niya, “Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata, at huwag ninyo silang pagbawalan: sapagka’t sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Dios” (Lucas 18:16). Pagkatapos ay kinarga Niya sila at binasbasan.

Pumikit at isipin kunwari na karga kayo ng Tagapagligtas at binabasbasan kayo. Madarama ninyo ang Kanyang pagmamahal kapag nakilala o inisip ninyo Siya. Tinutulungan kayo ng Espiritu Santo na madama ang pagmamahal ng Mabuting Pastol na si Jesucristo.

Mga paglalarawan ni Phyllis Luch (kaliwa) at Paul Mann (kanan)