2015
Ang mga Banal na Katangian ni Jesucristo: Kabanalan
Hunyo 2015


Mensahe sa Visiting Teaching

Mga Banal na Katangian ni Jesucristo: Kabanalan

Mapanalanging pag-aralan ang materyal na ito at hangaring malaman kung ano ang ibabahagi. Paano pag-iibayuhin ng pag-unawa sa mga banal na katangian ng Tagapagligtas ang inyong pananampalataya sa Kanya at pagpapalain ang mga pinangangalagaan ninyo sa pamamagitan ng visiting teaching? Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa reliefsociety.lds.org.

Pananampalataya, Pamilya, Kapanatagan

“Puspusin ng kabanalan ang iyong mga iniisip nang walang humpay; sa gayon ang iyong pagtitiwala ay lalakas sa harapan ng Diyos; at ang doktrina ng pagkasaserdote ay magpapadalisay sa iyong kaluluwa gaya ng hamog mula sa langit” (D at T 121:45).

Ano ang kabanalan? Sinabi ni Pangulong James E. Faust (1920–2007): “Ang ganap na kahulugan ng kabanalan ay sumasaklaw sa lahat ng katangian ng kabutihan na tumutulong sa atin sa paghubog ng ating pagkatao.”1 Dagdag pa ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008): “Pagmamahal sa Diyos ang ugat ng lahat ng kabanalan, kabutihan, katatagan [ng pagkatao].”2

Tungkol sa kaugnayan ng kababaihan at ng kabanalan, si Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol ay nagsabing: “Isinilang ang kababaihan na may taglay na kabutihan, isang banal na kaloob na nagbibigay sa kanila ng kakayahang magkintal sa puso’t isipan ng pananampalataya, katatagan, pakikiramay, at kapinuhan sa pakikipag-ugnayan at sa mga kultura. …

“Mga kapatid na babae, sa lahat ng inyong pakikisama, ang pakikipag-ugnayan ninyo sa Diyos, na inyong Ama sa Langit, ang pinagmumulan ng impluwensya ng inyong kabutihan, na siyang dapat ninyong unahin palagi sa inyong buhay. Alalahanin na ang kapangyarihan ni Jesus ay nagmula sa katapatan Niya sa kagustuhan ng Ama. … Pagsikapang maging ganyang uri ng disipulo ng Ama at ng Anak, at hindi maglalaho ang inyong impluwensya kailanman.”3

Karagdagang mga Banal na Kasulatan

Mga Awit 24:3–5; Mga Taga Filipos 4:8; II Ni Pedro 1:3–5; Alma 31:5; Doktrina at mga Tipan 38:23–24

Christ surrounded by people, feeling a woman touching His robe. This has an issue of blood, and touches the Lord's robe in order to be healed. This painting is a smaller version of "Thy Faith Hath Made Thee Whole."

Detalye mula sa Pinagaling Ka ng Iyong Pananampalataya, ni Walter Rane

Mula sa mga Banal na Kasulatan

Ngayon, ang mararangal na babae, na puno ng pananampalataya, ay dumudulog sa Tagapagligtas. Sa Lucas 8 mababasa natin ang tungkol sa isang babaing 12 taon nang inaagasan at hindi mapagaling. Hangad niyang gumaling nang “lumapit [siya sa] likuran [ni Cristo], at hinipo ang laylayan ng kaniyang damit at pagdaka’y naampat [huminto] ang kaniyang agas. … At sinabi ni Jesus, May humipo sa akin, sapagka’t naramdaman ko na may umalis na bisa4 sa akin.” Ang mabait at matapat na babaing ito ay nagpatirapa sa Kanyang harapan, na isinasalaysay sa “ [kaniya] sa harapan ng buong bayan” na “siya’y hinipo niya” at “gumaling siya kapagdaka.” At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya; yumaon kang payapa” (tingnan sa Lucas 8:43-48; tingnan din sa 6:17–19).

Sa pamamagitan ng Kanyang kabanalan,5 kaya ni Cristo na pagalingin, bigyang-kakayahan, palakasin, panatagin, at pasiglahin tayo kapag pinili nating dumulog sa Kanya nang may lakas-ng-loob at pananampalataya.

Mga Tala

  1. James E. Faust, “Ang Magagandang Katangian ng Mabubuting Anak na Babae ng Diyos,” Liahona, Mayo 2003, 108.

  2. Pangulong Gordon B. Hinckley, “Excerpts from Recent Addresses of President Gordon B. Hinckley,” Ensign, Abr. 1996, 73.

  3. D. Todd Christofferson, “Ang Mabuting Impluwensya ng Kababaihan,” Liahona, Nob. 2013, 29, 31.

  4. Ang kabanalan ay may kapangyarihan (tingnan sa Marcos 5:30).

  5. Sa Ang Gabay sa mga Banal na Kasulatan, Ang “Pagkasaserdote [Priesthood]” ay “ang karapatan at kapangyarihang ibinibigay ng Diyos sa tao upang kumilos sa lahat ng bagay para sa kaligtasan ng tao” (D at T 50:26–27).