Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon Tinawid ng Pamilya ni Nephi ang Karagatan Naglakbay ang pamilya ni Nephi sa ilang nang walong taon. Sa wakas dumating sila sa isang magandang lugar. Malapit iyon sa dagat, at maraming prutas at pulot na makakain doon. Napakasaya nila! Ngunit hindi pa tapos ang kanilang paglalakbay. Inutusan ng Ama sa Langit si Nephi na gumawa ng barko. Ipinakita Niya kay Nephi kung ano dapat ang hitsura nito. Ipinangako Niya na dadalhin sila ng barko sa isang napakagandang bagong lupain. Una ay gumawa si Nephi ng mga gagamitin. Pagkatapos ay nagsimula na siyang gumawa. Nagreklamo ang mga kapatid ni Nephi na sina Laman at Lemuel. Hindi sila naniwala na makakagawa siya ng barko. Alam ni Nephi na mapagkakatiwalaan ng kanilang pamilya ang Ama sa Langit. Nang matapos ang barko, nagsimulang maglayag sa karagatan ang pamilya ni Nephi. Isang araw nagalit sina Laman at Lemuel kay Nephi at itinali nila ito. Dumating ang isang malakas na bagyo at tinangay pabalik ang barko. Nagsisi ang magkakapatid, at ligtas na ginabayan ni Nephi ang barko sa paglalayag nito. Sa huli ay narating ng pamilya ni Nephi ang mga pampang ng isang bagong lupain. Masaya si Nephi at ang kanyang pamilya dahil alam nila na inakay sila roon ng Ama sa Langit. Laging tinutupad ng Ama sa Langit ang Kanyang mga pangako!