Paghahanap ng Pagkakatulad
Para sa mga Miyembrong Walang Asawa
Narito ang sinabi ng tatlong tagapagsalita tungkol sa pagiging walang asawa:
-
“Ang ngayon ay bahagi ng kawalang-hanggan. Hindi lamang ito nagsisimula pagkamatay natin! Ang pananampalataya at pag-asa ay magbubukas ng inyong mga mata sa kaligayahan na nasa harapan mo ngayon.” —Pangulong Dieter F. Uchtdorf, “Isang Tag-init Kasama si Tiya Rose,” 19.
-
“Ang isa pang masaklap na paghihirap ay kapag wala kayong asawa. Dapat tandaan ng mga nasa ganitong sitwasyon na dinanas din ng ating Tagapagligtas ang ganitong pasakit at na, sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, nagbibigay Siya ng lakas na tiisin ito.” —Elder Dallin H. Oaks, “Pinalakas ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” 63.
-
“Magtiyaga. Maghintay sa Panginoon. Pinatototohanan ko na alam ng Panginoon ang inyong mga hangarin at mahal Niya kayo dahil sa inyong tapat na debosyon sa Kanya. May plano siya para sa inyo, sa buhay mang ito o sa kabilang-buhay. Pakinggan ang Kanyang Espiritu. … Sa buhay na ito o sa kabilang-buhay, ang Kanyang mga pangako ay matutupad.” —Elder Robert D. Hales, “Pagtugon sa mga Hamon ng Mundo Ngayon,” 46.