2016
Yaman ng Patotoo
Pebrero 2016


Yaman ng Patotoo

Ang awtor ay naninirahan sa Amazonas, Brazil.

Anong uri ng yaman ang lumalago kapag ibinahagi ninyo ito?

“At ngayon nalalaman ko sa aking sarili … sapagkat ang Panginoong Diyos ang nagbigay-alam nito sa akin sa pamamagitan ng kanyang Banal na Espiritu” (Alma 5:46).

Product Shot from February 2015 Liahona

Minasdan ni Sabrina ang pagpasok ni Inay sa pintuan ng mga kapitbahay nila. “Salamat sa aklat na ito,” sabi ng ama. May hawak itong Aklat ni Mormon.

“Inay, bakit po ninyo ikinukuwento ang Simbahan sa lahat ng tao?” tanong ni Sabrina kalaunan nang magkasama nilang hugasan ang mga pinggan.

“Kasi ang patotoo ko tungkol sa Simbahan ay parang isang yaman,” sabi ni Inay. “Nagpapasaya ito sa akin. At nais kong ibahagi ito sa iba para maging masaya rin sila!”

Niretratuhan ni Sabrina ang makinang na kuwintas ni Inay sa kahon ng kanyang mga alahas. “Ano po ang ibig ninyong sabihin na parang isang yaman?”

“Kasi napakahalaga ng isang patotoo,” sabi ni Inay. “Isang kaloob ito ng Ama sa Langit na tumutulong sa atin na malaman ang totoo.”

“Paano po ninyo ito natamo?” pag-alam ni Sabrina.

Iniabot ni Inay kay Sabrina ang kumikislap sa linis na pinggan para punasan. “Natamo ko ito nang paunti-unti. Kapag nagdarasal ako o nagbabasa ng mga banal na kasulatan, napapayapa ako at nag-aalab ang kalooban ko. Para akong nagdaragdag ko sa aking yaman ng patotoo.”

Marahang tumango si Sabrina. Maaari ba siyang magtamo ng yaman ng patotoo?

Pagsapit ng Linggo, nagkuwento ang Primary teacher ni Sabrina tungkol kay Jesucristo. Nakinig na mabuti si Sabrina. Sabi ni Sister Lopez pinalapit ni Jesus ang lahat ng maliliit na bata sa Kanya. Binasbasan Niya sila at tinuruan. Nang mag-isip si Sabrina tungkol kay Jesus, nag-alab ang puso niya.

Nagmamadaling hinanap ni Sabrina si Inay pagkatapos ng Primary. “Inay, alam po ba ninyo?” Ikinuwento niya kay Inay ang maalab na pakiramdam.

“Magaling,” sabi ni Inay. “Nararamdaman iyan kapag inantig ng Espiritu Santo ang puso natin at ipinaalam sa atin na ang ebanghelyo ay totoo.”

Ngumiti si Sabrina kay Inay. “Ganyan nga po ang nangyari! Sumaya ang kalooban ko.” Napakatahimik ng Espiritu Santo kaya alam ni Sabrina na hindi niya Ito mapapansin kung hindi siya mapitagan.

Niyakap siya ni Inay nang mahigpit. “Ngayo’y nagkakaroon ka na ng sarili mong yaman ng patotoo.” Niyakap din ni Sabrina si Inay. Gusto niyang ibahagi ang kanyang yaman sa lahat—gaya ni Inay! Pero paano niya magagawa iyon?

Nang gabing iyon nakakita si Sabrina ng isang pass-along card na may larawan ni Jesus sa harap. Itinago niya ito sa backpack niya.

Kinabukasan sa oras ng rises, naalala ni Sabrina ang card. Inilabas niya ito at hinanap ang kaibigan niyang si Carla. “Heto, Carla, para sa iyo ito,” sabi ni Sabrina.

Hinapit ni Carla sa kanyang dibdib ang card. “Salamat! Mahilig ako sa mga larawan ni Jesus.”

Itinuro ni Sabrina kay Carla ang website sa likod ng card. “Marami ka pang malalaman tungkol sa Simbahan ni Jesus dito.”

“Anong simbahan iyan?” tanong ni Carla.

“Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw,” sabi ni Sabrina. “Nagpapasaya sa akin ang pagsisimba at pag-aaral tungkol kay Jesus.”

Ibinulsa ni Carla ang card. “Ipapakita ko sa nanay ko ang card na ito.”

Pagkaraan ng ilang linggo, pinuntahan ni Carla si Sabrina bago nagsimula ang klase. “May sasabihin ako sa iyo!” sabi nito. Nakangiti ito nang husto.

Nasabik si Sabrina. Ano kaya iyon? Ngumiti si Carla. “Nagsimba ang pamilya ko sa inyo! At gaya ng sabi mo—masaya ako roon.”

“Alam ko na madarama mo ang Espiritu Santo!” sabi ni Sabrina.

“At palagay ko ay malapit na kaming mabinyagan!”

Napatalon si Sabrina at niyakap niya si Carla. Ngayo’y sabay na nilang maibabahagi ang kanilang yaman ng patotoo!