2016
Mga Banal na Kasulatan mula sa Luma at Bagong Daigdig
Pebrero 2016


Mga Banal na Kasulatan mula sa Luma at Bagong Daigdig

Product Shot from February 2015 Liahona

Nang maglakbay si Nephi at ang kanyang pamilya mula sa Jerusalem (ang “Lumang Daigdig”) hanggang sa lupang pangako (ang “Bagong Daigdig”), dinala nila ang mga banal na kasulatan. Ang tawag dito ay mga laminang tanso. Sa Lumang Daigdig, ang mga banal na kasulatang ito ay naging bahagi ng Biblia.

Sa lupang pangako, isinulat ni Nephi ang itinuro ng kanyang ama, ang nangyari sa kanyang pamilya, ang natutuhan niya mula sa Ama sa Langit, at ang natutuhan niya mula sa mga laminang tanso. Ang mga bagay na isinulat ni Nephi ay naging bahagi ng Aklat ni Mormon.