Notebook ng Kumperensya ng Oktubre 2015
“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38 ).
Habang nirerepaso mo ang pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2015, magagamit mo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa susunod na mga isyu) para matulungan kang pag-aralan at ipamuhay ang mga itinuro kamakailan ng mga buhay na propeta at apostol at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan.
Ano ang mas umaagaw ng ating pansin kaysa sa isang magandang kuwento? Narito ang dalawa sa maraming kuwentong ibinahagi sa kumperensya:
Ano ang maituturo sa atin ni Chloe at ng kanyang upuan sa kotse tungkol sa pagmamahal at pagsunod sa mga kautusan? —Tingnan sa Carole M. Stephens, “Kung Ako’y Inyong Iniibig, ay Tutuparin Ninyo ang Aking mga Utos,” 118.
Sa anong mga paraan natin maipapaunawa sa ating mga anak ang ebanghelyo, na tulad ng ama ni Pablo? —Tingnan sa Bradley D. Foster, “Kailanma’y Hindi Masyadong Maaga at Hindi Pa Huli ang Lahat,” 50.
“Mga kapatid, si Satanas ay tagumpay na nagpapalaganap ng impluwensya ni Korihor sa ating panahon. … Ano ang ilan sa kanyang mga pamamaraan? Mapanuksong mga kuwento ng pag-iibigan, mga teleserye, mga babaeng may-asawa na nakikipag-ugnayan sa mga dating nobyo sa social media, at pornograpiya. … Hindi tayo puwedeng makipaglaro sa mga nag-aapoy na sibat ni Satanas nang hindi napapaso. …
“Kapag tayo ay nanonood, nagbabasa, o gumagawa ng anumang bagay na mababa sa mga pamantayan ng ating Ama sa Langit, pinahihina tayo nito. Anuman ang ating edad, kung ang ating nakikita, nababasa, napapakinggan, o napipiling gawin ay hindi akma sa mga pamantayan ng Panginoon na nakasaad sa Para sa Lakas ng mga Kabataan, isara ito, punitin ito, itapon ito, at huwag pansinin.”
Linda S. Reeves, pangalawang tagapayo sa Relief Society general presidency, “Karapat-dapat sa mga Pagpapalang Ipinangako sa Atin,” Liahona , Nob. 2015, 10.
Para mabasa, mapanood, o mapakinggan ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, bumisita sa conference.lds.org .