Kaya Kong Basahin ang Aklat ni Mormon
Mga Talata sa Buwang Ito
Matapos mong basahin ang isang talata sa banal na kasulatan, kulayan ang katugmang mga lugar na may numero sa bandila ng kalayaan!
8. Helaman 9:1–5, 19–24, 39–40
Ang Bandila ng Kalayaan
Pinamunuan ni Moroni ang mga Nephita sa isang digmaan laban sa mga Lamanita para ipagtanggol ang kanilang tahanan at pamilya. Gumawa ng “bandila ng kalayaan” si Kapitan Moroni mula sa kanyang bata (coat). Sumulat siya ng espesyal na mensahe para ipaalala sa mga Nephita ang ipinaglalaban nila: “Sa alaala ng ating Diyos, ating relihiyon, at kalayaan, at ating kapayapaan, ating mga asawa, at ating mga anak” (Alma 46:12). Basahin ang iba pa tungkol dito sa pahina 76. At maghanap ng isa pang hamon sa pagbabasa sa susunod na isyu!