Itinuro ni Elder Joseph W. Sitati ng Pitumpu na kapag gumagawa at tumutupad tayo ng mga tipan sa Diyos, itinatatag at pinapalakas natin ang ating kaugnayan sa Kanya. Iginagalang natin ang Diyos kapag tinutupad natin ang mga tipang ginagawa natin sa binyag, kabilang na ang pakikibahagi linggu-linggo sa sacrament, ang sumpa at tipan ng priesthood, at ang mga tipang ginagawa natin sa templo.