Sulok para sa Tanong
Kapag nagtatalo ang nanay at tatay ko, alalang-alala at lungkot na lungkot ako. Ano ang gagawin ko?
Maaari kang manalangin sa Ama sa Langit. Palagi nitong pinagagaan ang pakiramdam ko.
Hayden H., edad 6, Alberta, Canada
Para mapasaya sila, nakikipagbiruan ako sa kanila at ikinukuwento ko ang mga nangyari sa paaralan. Kapag nagsimula na silang tumawa, nadarama ko na sinasabi sa akin ng Espiritu Santo na tama ang ginawa ko.
Elena M., edad 12, California, USA
Max: Yayakapin ko sila at kakantahan ng isang awitin sa Primary para maalala nila si Jesus.
Gabe: Pagaanin ang pakiramdam ng iyong mga magulang sa pamamagitan ng pagdodrowing ng larawan ng inyong pamilya sa langit.
Max at Gabe C., edad 6 at 10, Kochi, India
Maaari mong ipagdasal na tulungan ang nanay at tatay mo na malagpasan ang kanilang problema at ihimig ang ilang awitin sa Simbahan para gumanda ang pakiramdam mo.
Addison S., edad 10, Washington, USA
Pumapasok kaming magkakapatid sa kuwarto namin at nakikinig sa Tabernacle Choir. Nakatulong ito para makadama kami ng kapayapaan.
Ben M., edad 11, Brisbane, Australia
Mananalangin ako sa Ama sa Langit at hihilingin ko sa Kanya na tulungan Niya ang mga magulang ko kapag nagtatalo sila para madama nila ang Espiritu at malutas nila ang kanilang mga problema.
Ethan M., edad 11, California, USA