2016
Bakit ipinadarama sa atin ng Diyos na umibig nang mas maaga kaysa maghintay na makapag-asawa sa tamang panahon?
July 2016


Bakit ipinadarama sa atin ng Diyos na umibig nang mas maaga kaysa maghintay na makapag-asawa sa tamang panahon?

Hindi naman masamang maakit, siyempre pa, at kalaunan ay magsakatuparan ng isang banal na layunin sa pag-aasawa. Pero bakit natin kailangang madama ito nang maraming taon bago natin ito maipahayag nang angkop?

Mangyari pa, ang buhay na ito ay isang pagsubok sa pagsunod, at ang batas ng kalinisang-puri ay isa sa pinakamahahalagang batas na susundin. Ang pagsubok ay tumitindi sa pagbibinata o pagdadalaga, na idinidikta sa atin ng mga hormone (at mapagkunsinting kultura) na “Sige, sige, sige,” ngunit sinasabi naman sa atin ng Liwanag ni Cristo at ang Espiritu Santo (gayundin ang mga banal na kasulatan, propeta, magulang, at lider) na, “Teka, teka, teka.” Kapag sinunod natin ang huling mensahe, pinatutunayan natin ang ating pagkamarapat at nagpapakita tayo ng kahustuhan ng pag-iisip at disiplinang moral, “ang palagiang paggamit ng kalayaang piliin ang tama dahil ito ay tama, kahit mahirap pa ito” (D. Todd Christofferson, “Disiplinang Moral,” Liahona, Nob. 2009, 105).

Tulad sa maraming pagsubok sa buhay, tinutulutan tayo ng isang ito na patunayan na karapat-dapat tayo sa mas malalaking pagpapalang darating—kabilang na ang pagbubuklod sa templo para sa buhay na ito at sa buong kawalang-hanggan.