2017
Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
May 2017


Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya

Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan sa pangkalahatang kumperensya ay maaaring gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang mga numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Tagapagsalita

Kuwento

Neil L. Andersen

(58) Sa pangitain nakita ni Pangulong David O. McKay ang Tagapagligtas at ang mga taong “dumaig sa sanlibutan.” Nagkaroon ng sakit sa bato si Elder Bruce D. Porter ngunit dinaig niya ang sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal sa Tagapagligtas.

David A. Bednar

(67) Tinulungan ni David A. Bednar ang isang nalulungkot na returned missionary.

Mark A. Bragg

(36) Iniligtas ng mga bumbero ang mga painting ni Jesucristo mula sa nasusunog na stake center.

M. Joseph Brough

(23) Pinakinggan ng ama ni M. Joseph Brough ang matalinong payo ng kanyang ina. Noong bata pa si M. Joseph Brough, hinangad niyang malaman ang kalooban ng Ama sa Langit habang naghahanda siyang ipamigay ang kanyang aso. Sa templo, nalaman ni M. Joseph Brough na nagmamalasakit sa kanya ang Ama sa Langit.

Linda K. Burton

(12) Matapos maparalisa ang kanyang asawa, si Drusilla Hendricks na ang nagtaguyod sa kanyang pamilya. Pinaglingkuran ng isang Relief Society president ang iba habang nakikipaglaban siya sa kanser.

Gérald Caussé

(75) Dahil sa seminary, nataas ng ranggo ang 30-taong-gulang na si Gérald Caussé. Humanap ng paraan ang mga miyembro ng ward para makapaglingkod ang isang binatilyo.

Yoon Hwan Choi

(90) Itinuro ng ama ni Yoon Hwan Choi sa kanya na, “Huwag magpalingun-lingon, tumingala ka.” Nabiyayaan si Sunbeam Choi habang naglilingkod sa misyon ang kanyang mga magulang. Ang pagtawag kay Yoon Hwan Choi sa Pitumpu ay nangahulugan ng mas kaunting oras para sa kanyang pamilya, ngunit masaya ang kanyang anak dahil sila ay “isang walang hanggang pamilya.”

L. Whitney Clayton

(97) Pinayuhan ng isang bata pang bishop ang mga miyembro ng ward na may problema na maging abala sa pagpapakita ng mga simpleng gawa ng pananampalataya.

Weatherford T. Clayton

(26) Nakita ni Weatherford T. Clayton ang galak na hatid ng isang bagong silang na sanggol sa ina nito. Nang mamatay ang kanilang ina, napanatag ang dalawang anak na babae dahil sa kanilang pananampalataya sa Tagapagligtas.

Quentin L. Cook

(127) Ang apat-na-taong-gulang na anak ni Quentin L. Cook ay “kaya nang gawin ang lahat ngayon.” Noong bata pa si Quentin L. Cook, tumanggap siya ng espirituwal na patunay tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo. Sa pananatiling tapat sa kabila ng paghihirap, naragdagan ang karunungan at kabutihan ni Parley P. Pratt.

Bonnie H. Cordon

(6) Hiniling ng batang apo ni Bonnie H. Cordon na magbasa pa ng mga banal na kasulatan. Ang kapayapaang nadama ni Bonnie H. Cordon mula sa panalangin ng kanyang ina ay naghikayat sa kanya na magtiwala sa Panginoon. Sa paglilingkod sa iba, tumanggap ng lakas at tapang isang pasyenteng may kanser na makayanan ang kanyang karamdaman.

Valeri V. Cordón

(55) Noong bata pa si Valeri V. Cordón, nakita niya na napagpala ang kanyang pamilya dahil sa pagbabayad ng ikapu.

Joaquin E. Costa

(112) Samantalang nakikinig sa mga talakayan ng missionary, nagpakumbaba si Joaquin E. Costa at nakita niya na pagsisisi ang landas tungo sa paglago at kaligayahan.

Henry B. Eyring

(15) Tinulutan ng mapagkumbabang mga miyembro sa Austria na liwanagan ng Espiritu Santo ang kubol na pinagdausan nila ng sacrament meeting. Tinulungan ng Espiritu Santo si Henry B. Eyring na makita ang kanyang magulong anak na lalaki tulad ng pagtingin ng Diyos dito.

(19) Kahit ang pinakamahusay na teknolohiya ay hinding-hindi mapapalitan ang personal na paghahayag.

(82) Nagtiwala si Henry B. Eyring sa pangako na ang Espiritu ay mapapasapuso niya at dadalhin siya ng mga anghel habang naglilingkod siya bilang maytaglay ng priesthood.

C. Scott Grow

(121) Ang mga magulang at biyenan ni C. Scott Grow ay naglingkod sa mga misyon. Nasaksihan ni C. Scott Grow ang espirituwal na kadalisayan ni Elder Neal A. Maxwell.

Joy D. Jones

(87) Tinupad ng isang nakatatandang kapatid ang pangako niya sa kanyang mga magulang na hindi tuksuhin ang kanyang limang-taong-gulang na kapatid.

Carol F. McConkie

(9) Tinulungan ng isang 13-taong-gulang na Beehive class president sa Ghana ang kanyang mga kaibigan sa paggawa ng kanilang mga gawaing-bahay para makasimba sila.

Russell M. Nelson

(39) Tinupad ng isang Laurel ang kanyang pangakong makibahagi sa stake Relief Society meeting kahit inalis siya sa statewide competition.

S. Mark Palmer

(114) Noong mission president si S. Mark Palmer, natutuhan niyang “titigan” ang mga missionary at mahalin sila gaya ng pagmamahal ng Ama at ng Anak.

Ronald A. Rasband

(93) Noong full-time missionary si Ronald A. Rasband, iniharang niya ang kanyang paa sa pinto upang hindi ito magsara. Nadama ni Elder Ronald A. Rasband na bisitahin at basbasan ang mga miyembro ng Simbahan sa Ecuador pagkatapos ng isang lindol doon. Noong siya ay mission president, hinikayat ni Ronald A. Rasband ang mga missionary na sumunod sa unang mga pahiwatig.

Dale G. Renlund

(29) Sa Les Misérables, ang habag na ipinadama ng isang bishop ay naghikayat kay Jean Valjean na baguhin ang kanyang buhay. Noong tinedyer pa si Dale G. Renlund sa Europe, nakaranas siya ng pananakot at pagpula.

Gary B. Sabin

(52) Tiniis ng isang Boy Scout ang lamig ng gabi. Tumatayong muli ang isang inflatable punching bag dahil “matatag na nakatayo iyong tao sa loob.” Tinuruan ng ama ni Gary B. Sabin ang dalawang kasamahan sa barko na humanga sa kanyang mabuting halimbawa.

Ulisses Soares

(33) Pinanariwa ng isang full-time missionary ang kanyang pangako na masigasig na paglingkuran ang Diyos matapos niyang malaman na namatay ang kanyang kapatid na babae.

Gary E. Stevenson

(117) Humanga si Gary E. Stevenson sa family home evening lesson ng isang siyam-na-taong-gulang na bata. Dahil sa pahiwatig, nakaligtas ang batang si Gary E. Stevenson mula sa isang rattlesnake. Ang pahiwatig sa mission president ay nagligtas sa mga missionary mula sa isang lindol sa Japan. Tumanggap ng kapanatagan ang mga miyembro ng pamilya mula sa Espiritu Santo kasunod ng isang malagim na aksidente sa sasakyan.

Dieter F. Uchtdorf

(104) Nagalak si Dieter F. Uchtdorf sa pagtatapos ng Madrid Spain Temple kahit hindi siya naanyayahan sa paglalaan nito. Sinabi ni Pangulong James E. Faust kay Dieter F. Uchtdorf na huwag “paapekto” sa papuri ng mga miyembro ng Simbahan. Pinayuhan ni Pangulong J. Reuben Clark Jr. ang mga bagong lider na sundin ang ikaanim na patakaran. Nagboluntaryo ang isang dating stake president na linisin ang kalat na naiwan ng mga kabayo sa parada sa lungsod.