2017
Elder Brian K. Taylor
May 2017


Elder Brian K. Taylor

General Authority Seventy

Elder Brian K. Taylor

Si Brian King Taylor ay sinang-ayunan bilang General Authority Seventy noong Abril 1, 2017.

Si Elder Taylor ay isinilang noong 1964 sa Ogden, Utah, USA, kina Lowell Moon at Marie King Taylor. Lumaki siya sa kalapit na Kaysville, pang-apat sa limang anak na napakahilig sa pangingisda at sa sports.

Ang kuya niyang si Craig ay nakakuha ng basketball scholarship sa Utah State University sa Logan, Utah, at nagsikap na magpasiya kung magmimisyon o magpapatuloy sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

“Isang gabi sa hapunan sinabi ko [sa kanya], ‘Hey, kung magmimisyon ka, magmimisyon ako,’” paggunita ni Elder Taylor. Sa huli ay nagmisyon din ang magkapatid, at napunta si Elder Taylor sa Spain Seville Mission.

Bago siya nagmisyon, naglaro si Elder Taylor sa Brigham Young University basketball team mula 1982 hanggang 1984 kasama si Devin G. Durrant, na kasalukuyang naglilingkod bilang miyembro ng Sunday School General Presidency.

Nakilala rin niya ang mapapangasawa niyang si Jill Featherstone sa BYU. Nagtuturo ito noon sa Gospel Doctrine class sa kanyang student ward. Sa paanyaya ng kanyang kapatid na lalaki, bumisita si Elder Taylor sa klase ni Jill at nagkakilala sila. Nauwi iyon sa pag-iibigan, at ikinasal sila noong Abril 30, 1987, sa Salt Lake Temple. Sila ay may pitong anak.

Si Sister Taylor ang tanging anak na babae sa pitong anak nina Elder Vaughn J. Featherstone, emeritus General Authority, at Sister Merlene Featherstone. “Talagang mababait sila,” sabi ni Elder Taylor sa kanyang mga biyenan. “Agad kong nadama na mahal nila ako.”

May bachelor‘s degree mula sa BYU, nakapagtayo si Elder Taylor ng ilang negosyo, kabilang na ang isang kumpanyang nagdisenyo ng software para mai-coordinate ang mga emergency call sa pagitan ng mga ahensya ng pampublikong kaligtasan.

Naglingkod siya bilang institute teacher, high councilor, ward Young Men president, stake president, at, nang tawagin siya sa Pitumpu, bilang pangulo ng Texas Dallas Mission.