2017
Limang Bagong Templo
May 2017


Limang Bagong Templo

Ibinalita ni Pangulong Thomas S. Monson ang planong magtayo ng lima pang templo, sa sumusunod na mga lungsod:

Brasília, Brazil. Ang Brasília Brazil Temple ang magiging ika-10 templo sa Brazil, kabilang na ang anim na templong gumagana at tatlong iba pa na ibinalita o kasalukuyang itinatayo. Bukod sa Estados Unidos at Mexico, mas maraming Banal sa mga Huling Araw (mahigit 1.3 milyon) ang nakatira sa Brazil kaysa alinmang bansa. Ang Brazil ay may humigit-kumulang 211 milyong populasyon.

Kalakhang Maynila, Pilipinas. Ang templong ito ang magiging pangalawa sa Manila at pang-apat sa Pilipinas. Halos 750,000 mga Banal sa mga Huling Araw ang nasa Pilipinas, na may 104 milyong populasyon.

Nairobi, Kenya Ang templo ay maglilingkod sa mahigit 30,000 mga miyembro sa eastern Africa, kabilang na ang 13,000 mga miyembro sa Kenya, na may 48 milyong populasyon. Magiging walo na ang mga templong gumagana, kasalukuyang itinatayo, o ibinalita sa Africa.

Pocatello, Idaho, USA. Ang Pocatello Idaho Temple ang magiging ikaanim na templo sa Idaho, isang estado na may tinatayang 450,000 mga Banal sa mga Huling Araw at may 1.7 milyong populasyon.

Saratoga Springs, Utah, USA. Ang templong ito ay makikita sa isa sa pinakamabibilis lumaking area sa Utah at ang magiging ika-18 templo sa estado. Ang Utah, kung saan naroon ang headquarters ng Simbahan, ay may 2.1 milyong miyembro, at may populasyon sa estado na mga 3.1 milyon.

Dahil sa limang templong ibinalita ay magiging 182 templo na ang kabuuang bilang ng gumaganang mga templo (155) at mga templong ibinalita o kasalukuyang itinatayo/sumasailalim sa renobasyon (27) sa ibang mga bansa.

Simula noong pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2016, ang Fort Collins Colorado Temple, Star Valley Wyoming Temple, at Hartford Connecticut Temple sa USA ay nailaan na, at ang Suva Fiji Temple ay nailaan nang muli.

Ang mga paglalaan sa hinaharap ay nakaplano ayon sa nakasaad sa ibaba:

Templo

Petsa ng paglalaan

Paris France

Mayo 21, 2017

Idaho Falls Idaho (USA)

Hunyo 4, 2017 (muling paglalaan)

Tucson Arizona (USA)

Agosto 13, 2017

Meridian Idaho (USA)

Nobyembre 19, 2017

Cedar City Utah (USA)

Disyembre 10, 2017

Tapos na ang groundbreaking para sa Winnipeg Manitoba Temple (Canada), Kinshasa Democratic Republic of the Congo Temple, Barranquilla Colombia Temple, Arequipa Peru Temple, at Rio de Janeiro Brazil Temple.

Dapat ding banggitin na, habang patuloy ang pagtatayo ng Rome Italy Temple, inilagay ang mga estatwa ni Jesucristo at ng orihinal na Labindalawang Apostol sa visitors’ center, at ipinatong ang isang estatwa ni anghel Moroni sa taluktok nito.