2017
Mas Mahuhusay na Missionary, Mas Mahuhusay na Guro
May 2017


Mas Mahuhusay na Missionary, Mas Mahuhusay na Guro

Sa isang pandaigdigang brodkast, halos 71,000 elders at sisters sa 422 mission ang tumanggap ng training kung paano maging mas mahuhusay na missionary at mas mahuhusay na guro. Ang mga pagbabagong inaprubahan ng Unang Panguluhan at ng Korum ng Labindalawang Apostol ay ibinalita bilang bahagi ng training. Isang bagong daily schedule ang magtutulot ng mas malaking kaluwagan sa paggamit ng mga missionary ng kanilang oras at mas nababagay sa lugar na kanilang pinaglilingkuran.

Ang layunin ng mas flexible na schedule ay para tulungan ang mga missionary na maragdagan ang nagagawa nila araw-araw, magtakda ng mas inpiradong mga mithiin, magplano nang mas mabisa, maging mas malusog, at gamitin ang kanilang kalayaan upang gumawa ng mabubuting desisyon kung paano higit na gugugulin ang kanilang panahon. Tutulutan din sila nitong magtrabaho sa mas mahabang panahon.

Ang isa pang pagbabagong ipinahayag ay ang pagbabawas ng bilang ng “key indicators” na ginagamit ng mga missionary para iulat ang pag-unlad sa kanilang gawain. Pinaalalahanan ang mga missionary na lahat ng alituntunin sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay mahalaga at dapat gamitin.