Elder Adilson de Paula Parrella
General Authority Seventy
Noong walong taong gulang si Elder Adilson de Paula Parrella, sinimulang turuan ng mga missionary ang kanyang pamilya tungkol kay Propetang Joseph Smith at sa Panunumbalik ng ebanghelyo.
“Kahit noong bata pa ako, wala akong alinlangan na talagang nakita ni Joseph Smith ang Diyos at si Jesucristo,” sabi ni Elder Parrella, na sinang-ayunan noong Abril 1, 2017, bilang General Authority Seventy. “Hindi ko kailanman pinagdudahan iyon mula noon.”
Si Elder Parrella ay isinilang noong 1962 sa Guarujá, Brazil, sa baybayin ng Atlantic malapit sa São Paulo, kina Fioravante at Vany de Paula Parrella.
Bawa isa sa dalawang kuya niya ay nakapagmisyon. Ang mga halimbawa nila at ng mapagmahal na bishop na si Angelino Borges de Freitas, na nagturo sa kanya kung paano maging isang Aaronic Priesthood holder, ang nagpaningas sa hangaring maglingkod siya sa full-time mission. Pinagtibay sa kanya ng paglilingkod sa misyon “ang katotohanan ng Diyos at ng Kanyang Anak at na tayong lahat ay anak ng Diyos.”
Matapos maglingkod sa Brazil Porto Alegre Mission, nag-aral si Elder Parrella sa Brigham Young University sa Provo, Utah, USA, kung saan siya nagtamo ng bachelor‘s degree in communication at master of business administration degree. Nagtrabaho siya bilang managing director sa Kodak Polychrome Graphics at bilang kasosyo sa Korn Ferry International. Nitong huli kasosyo siya sa Caldwell Partners.
Pinakasalan niya si Elaine Finholdt noong Disyembre 1988 sa São Paulo Brazil Temple. Sila ay may limang anak na lalaki.
Si Elder Parrella ay naglingkod bilang branch president, bishop, high councilor, counselor sa stake presidency, Area Seventy, at pangulo ng Brazil Belo Horizonte Mission mula 2009 hanggang 2012.
Simula nang makilala niya ang mga missionary, ang kanyang buhay ay naging isang paglalakbay upang maunawaan ang nadama niya noong siya ay walong taong gulang. Ang pagsisimba, patuloy na pagkatuto mula sa mga salita ng Diyos, at pagsisikap na sundin ang mga kautusan ay nakatulong na palawakin ang kanyang pananaw mula sa sulyap ng katotohanang ibinigay sa kanya noong bata pa siya. “Talagang ito ang kaharian ng Diyos sa lupa,” wika niya.