Patuloy ang Pagmiministeryo ng mga Apostol sa Buong Mundo
Ang mga propeta at apostol ay patuloy na nagmiministeryo sa buong mundo (tingnan sa D at T 107:23). Nitong huling anim na buwan:
Sa Face to Face broadcast na nagmula sa Palmyra, New York, USA, hinikayat nina Pangulong Henry B. Eyring at Elder Jeffrey R. Holland ang mga kabataan ng Simbahan na magkaroon ng sariling patotoo. “Halina’t alamin para sa inyong sarili na ang mga bagay na ito ay totoo,” sabi ni Pangulong Eyring.
Sa Mexico, ipinakilala si Pangulong Russell M. Nelson sa mga pambansang Chamber of Deputies (ang mababang kapulungan ng Kongreso), at pinuri ang Simbahan sa kabutihang nagawa nito sa pagtatanggol sa kalayaang pangrelihiyon at sa pagpapalakas sa mga pamilya. Kinausap din ni Pangulong Nelson ang mga miyembro at missionary at sinabi na ang mga miyembro “ay aktibong puwersa para sa kabutihan sa kanilang komunidad.”
Sa Arizona, USA, hinikayat Elder Dallin H. Oaks ang lahat ng miyembro ng Simbahan na ipagtanggol ang kalayaang pangrelihiyon. (Tingnan ang iba pang impormasyon sa religiousfreedom.lds.org.)
Nagsalita si Pangulong Dieter F. Uchtdorf sa mga miyembro ng Parleys Creek (Swahili) Branch sa Salt Lake City, Utah, USA. Marami sa mga miyembro ng branch ang mga refugee mula sa mga bansang African, at si Pangulong Uchtdorf mismo ay dalawang beses naging refugee. “Laging tandaan na saanman tayo naroon, naroon ang ebanghelyo,” sabi niya.
Dumalo sina Elder M. Russell Ballard at D. Todd Christofferson sa seremonya ng pagluluklok sa bagong bishop ng Roman Catholic Diocese ng Salt Lake City at tinanggap ito sa komunidad.
Sa Holy Land, sumama sina Elder Holland at Elder Quentin L. Cook sa isang delegasyon ng mga pinuno ng mga Banal sa mga Huling Araw at ng matataas na pinuno ng mga Judio mula sa USA na nagtipon sa isang makasaysayang lugar sa Jerusalem upang itakda ang ika-175 anibersaryo ng paglalaan ni Elder Orson Hyde (1805–78) ng Korum ng Labindalawang Apostol sa lupain bilang isang lugar ng pagtitipon para sa mga Judio.
Kinausap din ni Elder Holland ang mga miyembro at missionary sa Japan, Korea, at Guam, kung saan “muli naming tiniyak sa kanila ang isang [magandang] kinabukasan,” sabi niya. Napansin niya na ang mga live nationwide broadcast ng mga debosyonal ay “nagbigay sa atin ng pinakamalayong posibleng maaabot ng ating mensahe,” na nakikipag-ugnayan sa libu-libong miyembro.
Sa New York, USA, nakilahok si Elder David A. Bednar sa isang forum tungkol sa pag-aasawa, na sinasabi na ang isa sa mga dakilang gawain sa ating panahon—isa na kung saan ay dapat magkaisa ang mga komunidad ng magkakaibang pananampalataya—ay ang tulungan ang mga tao na maunawaan ang tunay na kahulugan at layunin ng pag-aasawa.
Habang kausap ang mga Banal sa mga Huling Araw sa Japan at Korea sinabi ni Elder Bednar na ang Simbahan ay nakararanas ng mabagal ngunit matatag na paglago sa Asia. “Hindi mo mapipigilang humanga sa kasigasigan, kabutihang-loob, at katapatan ng mga Banal sa mga Huling Araw na ito,” sabi niya. Nagsalita rin si Elder Bednar sa libu-libong miyembro ng Simbahan at tinuruan ang mga missionary sa 7 sa 21 mission ng Simbahan sa Pilipinas.
Sa Mexico, pinayuhan ni Elder Neil L. Andersen ang mga miyembro ng Simbahan na daigin ang mga balakid na humahadlang sa kanila sa pagdalo sa templo, paggalang sa araw ng Sabbath, at pagpapatatag sa mga ugnayan ng pamilya. Hinikayat niya sila na mas lubos na anyayahan ang Tagapagligtas sa kanilang buhay.
Binisita ni Elder Quentin L. Cook ang Pilipinas 20 taon pagkaraang maglingkod siya roon bilang bagong tawag na General Authority. Sinabi niya na dumoble na ang laki ng Simbahan sa Pilipinas simula noon. “Kung saan may mga branch,” sabi niya, “ngayon ay may mga stake na. Ang mga batang kilala natin noon ay returned missionaries na ngayon. Ang returned missionaries ay mga stake president na ngayon. Kahanga-hangang makita ang paglago ng Simbahan.”
Sa Bolivia at Peru, pinayuhan ni Elder Cook ang mga miyembro na magtuon sa pananampalataya sa Panginoong Jesucristo. Sinabi niya na ang mga kabataan at young single adult doon ay bukod-tangi at nagpapakita ng pagmamahal sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli.
Sa Africa West Area, sinabi ni Elder Gary E. Stevenson na ang pagbisita niya ay nagbigay ng oportunidad na magmuni-muni tungkol sa pagmamahal at galak na natatagpuan ng mga Banal sa mga Huling Araw sa ebanghelyo, sa kabila ng “mga hamon at paghihirap” na kinakaharap sila.
Kalaunan, sa Uruguay, Chile, at Argentina, nagsalita si Elder Stevenson sa isang For the Strength of Youth conference. Sinabi niya na marami sa mga kabataan “ang nagpapasiyang magmisyon at manatiling matatag sa kanilang mithiing makasal sa templo at … [magtamo ng] mas mataas na edukasyon.”
Pinayuhan ni Elder Ronald A. Rasband ang mga miyembro at missionary sa Central America Area na manatiling tapat sa kanilang mga tipan at umasa sa Panginoon sa oras ng kaguluhan. Binisita niya ang isang cancer hospital ng mga bata sa Guatemala, naghatid siya ng mahalagang pananalita sa isang symposium tungkol sa kalayaang pangrelihiyon na itinaguyod ng Simbahan sa El Salvador, at kinausap ang pangulo ng Nicaragua.
Sa Tonga, kinausap ni Elder Dale G. Renlund ang reyna at iba pang mga miyembro ng royal family. Binisita rin niya ang Australia at New Zealand, kung saan hiniling sa kanya ng mga miyembro na iparating ang kanilang pagmamahal kay Pangulong Thomas S. Monson.