2017
Elder Taylor G. Godoy
May 2017


Elder Taylor G. Godoy

General Authority Seventy

Elder Taylor G. Godoy

Makalipas ang ilang taon sa kanyang propesyon, si Elder Taylor G. Godoy ay kinailangang gumawa ng mahalagang desisyon na magkakaroon ng malaking epekto sa kanyang buhay.

Nagtatrabaho siya noon bilang dentista, pinag-iigi ang kanyang trabaho, at umaasa na balang-araw ay makapagturo ng dental surgery. Ngunit isang minamahal at pinagkakatiwalaang priesthood leader ang nag-anyaya sa kanya na magtrabaho sa Seminaries and Institute.

Ang pag-iwan sa lumalagong propesyon ay kakatwang desisyon para sa bata pang dentista, na sinang-ayunan noong Abril 1, 2017, bilang General Authority Seventy. Nagtaka ang marami sa kanyang mga kasamahan kung paano niya nakayang iwan ang kanyang propesyon.

“Pero alam ko na iyon ang tamang desisyon,” sabi niya. Gayon katapat na katiyakan ang naglalarawan sa convert ng Simbahan. Ang pagtulong sa iba na tuklasin at mahalin ang ebanghelyo ay napatunayang isang tiyak na oportunidad at pagpapala sa buhay.

Sa kanyang propesyon sa edukasyon sa Simbahan, nagtrabaho si Elder Godoy bilang institute teacher, coordinator, director, at country director. Nitong huli, siya ang South America Northwest Seminaries and Institutes area director.

Si Taylor Guillermo Godoy Atanacio ay isinilang sa Lima, Peru, noong 1968, kina Taylor Godoy at Adalzahinda Atanacio. Namatay ang kanyang ama noong siya ay bata pa, at ang kanyang minamahal na amain na si Elias Rebaza ang nagpalaki sa kanya. Sumapi si Elder Godoy sa Simbahan noong 17 anyos siya.

Pagkatapos maglingkod sa Peru Lima North Mission, bumalik siya sa kanyang bayang sinilangan sa Arequipa. Doo’y naging kaibigan niya ang dalagang si Carol Pacheco. Ang kapwa convert ay ikinasal noong Mayo 31, 1994, sa Lima Peru Temple. Dalawa ang anak nila.

Si Elder Godoy ay nagtamo ng bachelor‘s degree sa dentistry mula sa Catholic University of Santa Maria noong 1993 at ng master’s degree sa administration mula sa Technical University of Madrid noong 2006.

Naglingkod siya bilang bishop, high councilor, stake president, area public affairs director, at Area Seventy.