Mga Tampok sa Ika-187 Taunang Pangkalahatang Kumperensya
Kada anim na buwan, nagtitipon tayo para pakinggan ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga buhay na propeta at inspiradong mga pinuno ng Simbahan. Milyun-milyong tao sa buong mundo ang nagtitipon sa mga tahanan o sa mga chapel, sa iba’t ibang time zone at wika, gamit ang iba’t ibang laki ng screen.
Ngunit ang pangkalahatang kumperensya ay higit pa sa isang kaganapan. Ito ay isang karanasan na maaaring magtagal hangga’t gusto natin. Ang kumperensya ay isang bagay na ating pinag-aaralan, mayroon tayong natututuhan, at ating ipinamumuhay.
Para matulungan kayo sa inyong karanasan sa kumperensya, sinisikap naming kunin ang diwa ng mga kaganapan sa isyung ito tuwing ika-anim na buwan. Mas gusto man ninyong pag-aralan ang kumperensya sa magasin, online, o sa mobile, sana’y isang balon ito na madalas ninyong babalikan.
Salamat, O Diyos, sa Aming Propeta
Pahina 86: Upang mapalakas ang ating patotoo tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang ebanghelyo, nagsumamo sa atin si Pangulong Thomas S. Monson na “pag-aralan at pagnilayan nang may panalangin ang Aklat ni Mormon araw-araw.”
Pahina 66: Nanawagan din siya sa mga tao na suriin ang kanilang buhay at “sundin ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagiging mabait, mapagmahal, at may pag-ibig sa kapwa-tao.”
Apat na Bagong Templo ang Ibinalita
Pahina 86: Ibinalita ni Pangulong Monson ang limang bagong templong itatayo sa Brasília, Brazil; greater Manila, Philippines, area; Nairobi, Kenya; Pocatello, Idaho, USA; at Saratoga Springs, Utah, USA. (Tingnan sa pahina 141 ang iba pang impormasyon.)
Mga Bagong Pinuno Sinang-ayunan
Pahina 43: Noong Sabado, Abril 1, ibinalita ng Unang Panguluhan ang pag-release sa Relief Society General Presidency: Linda K. Burton, Carole M. Stephens at Linda S. Reeves.
Pahina 135: Alamin ang iba pa tungkol sa pagtawag ng 10 bagong pangkalahatang pinuno ng Simbahan, kabilang na ang bagong Relief Society General Presidency.
Mga Pagpapahayag Muling Binasa
Panloob na mga pabalat: Tinukoy ng ilang tagapagsalita ang “Ang Buhay na Cristo” at “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa mundo” (tingnan sa mga pahina 26, 36, 39, 62, at 100). Maaari ninyong mahanap ang mahahalagang dokumentong ito sa panloob na mga pabalat ng isyung ito.