2017
Isinilang si Jesus sa Betlehem
December 2017


Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Isinilang si Jesus sa Betlehem

Larawan
Jesus was born in Bethlehem 1
Larawan
Jesus was born in Bethlehem 2
Larawan
Jesus was born in Bethlehem 3

Pumunta ang isang anghel kay Maria at sinabi sa kanya na masaya ang Diyos sa kanya. Siya ang magiging ina ni Jesus!

Naglakbay sina Maria at Jose patungong Betlehem. Halos isisilang na noon si Jesus. Maraming taong bumibisita noon sa Betlehem kaya walang makitang silid na matutuluyan sina Maria at Jose. Pinatuloy sila ng isang tagapangasiwa ng bahay-tuluyan sa isang kuwadra.

Di-naglaon ay isinilang si Jesus. Isang maningning na bagong bituin ang lumitaw para sabihin sa lahat na isinilang na sa lupa ang Ilaw ng Sanlibutan.

Sinabi ng isang anghel sa ilang pastol na isinilang na si Jesus. Nagmadali silang makita ang sanggol na si Jesus na nakahiga sa isang sabsaban.

Naparito si Jesus sa lupa dahil mahal Niya ako. Susundan ko ang Kanyang liwanag ngayong Pasko at sa buong taon!

Print