Mga Turo ni Jesus
Bawat araw, magbasa ng isang bagay na itinuro ni Jesus at isipin pagkatapos kung paano ninyo masusunod ang Kanyang turo. Pagkatapos ay kulayan ang bituin!
Dis. 1: “Tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad” (Mateo 10:8).
Dis. 2: “Sapagkaʼt akoʼy nagutom, at akoʼy inyong pinakain” (Mateo 25:35).
Dis. 3: “Kaya’t matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath” (Mateo 12:12).
Dis. 4: “Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:39).
Dis. 5: “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” (Mateo 15:4).
Dis. 6: “Sapagka’t kung saan naroon ang iyong kayamanan, doon naman doroon ang iyong puso” (Mateo 6:21).
Dis. 7: “Pabayaan ninyong magsilapit sa akin ang maliliit na bata” (Marcos 10:14).
Dis. 8: “Makipagkasundo kayo agad sa inyong kaaway” (3 Nephi 12:25).
Dis. 9: “Siya na nagsisisi at sumusunod sa mga kautusan ng Panginoon ay patatawarin” (D at T 1:32).
Dis. 10: “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan” (Juan 5:39).
Dis. 11: “Ako’y naging taga ibang bayan, at inyo akong pinatuloy” (Mateo 25:35).
Dis. 12: “Mapapalad ang nangahahapis: sapagka’t sila’y aaliwin” (Mateo 5:4).
Dis. 13: “Lahat ng mga bagay na ibig ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao, gawin naman ninyo ang gayon sa kanila” (Mateo 7:12).
Dis. 14: “Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan” (Mateo 7:1).
Dis. 15: “Mapapalad ang mga mahabagin” (Mateo 5:7).
Dis. 16: “[Ako’y] naging hubad, at inyo akong pinaramtan” (Mateo 25:36).
Dis. 17: “Kayo ay magtipun-tipon nang madalas” (3 Nephi 18:22).
Dis. 18: “Kinakailangan kayong mag-ingat at laging manalangin” (3 Nephi 18:15).
Dis. 19: “Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo” (Mateo 5:12).
Dis. 20: “Hanapin ninyo ang [kaharian ng Diyos]” (Lucas 12:31).
Dis. 21: “Ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan” (Mateo 6:14).
Dis. 22: “Yaong nakita ninyong ginawa ko ay gayon din ang nararapat ninyong gawin” (3 Nephi 27:21).
Dis. 23: “Ako’y nagkasakit, at inyo akong dinalaw” (Mateo 25:36).
Dis. 24: “Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan” (Mateo 21:13).
Dis. 25: “Lumiwanag na gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang mangakita nila ang inyong mabubuting gawa, at kanilang luwalhatiin ang inyong Ama na nasa langit” (Mateo 5:16).