Walong Dahilan Kung Bakit Napakagandang Panahon na Maging Missionary sa Kapaskuhan
Mayroong kung anong bagay sa panahon ng Kapaskuhan kaya’t mas mainam ibahagi ang ebanghelyo sa panahong ito!
Mahal mo ang iyong mga kaibigan. Mahal mo ang ebanghelyo. At hindi mo alam kung paano mo ibabahagi ang ebanghelyo sa mga kaibigan mo.
Kung sa tingin mo ay parang ikaw ito, hindi ka nag-iisa. Maraming tao ang nais magbahagi ng ebanghelyo sa kanilang mga kaibigan ngunit natatakot na magmukhang namimilit o kakatwa sila. Maaaring nakakatakot magbahagi ng ebanghelyo.
Ngunit huwag matakot! Kahit hindi mo pa nababanggit ang Simbahan kahit kanino, ang panahon ng Kapaskuhan ay maaari pa ring mapuno ng maraming bagay na karaniwan, madali, at talagang posibleng magawa para sa gawaing misyonero. Paano?
Ang unang dapat gawin ay magdasal. Subukang magdasal sa Ama sa Langit para sa mga oportunidad na ibahagi ang ebanghelyo. Magdasal upang malaman kung sino ang dapat kausapin o imbitahan at magdasal na magkaroon ka ng lakas ng loob na gawin ito!
Ang ikalawang dapat gawin ay magsimula. At magsimula na ngayon. Heto ang isang sikreto: Ang gawaing misyonero ay napakadali sa panahon ng Kapaskuhan. Bakit? Mayroon tayong walong dahilan.
-
Lahat ay gusto ang masayang party.
Malamang na pinaplano ng ward ninyo o ng iyong pamilya na magkaroon ng Christmas party. Imbitahan ang isang kaibigan na sumali sa kasiyahan! Marahil ay mayroong isang kanta o mensahe na tungkol sa Tagapagligtas, at ito na siguro ang kailangang marinig ng iyong kaibigan.
-
Karaniwan na ang anyayahan ang mga tao sa simbahan sa panahon ng Kapaskuhan.
Mayroong kung anong bagay sa Pasko na naghihikayat sa mga taong pumunta sa simbahan! Ito ay napakagandang pagkakataon upang ipaalam sa iyong mga kaibigan na sila ay malugod na tinatanggap upang makita nila kung paano sinasamba ng mga miyembro ng iyong simbahan ang Tagapagligtas.
-
Ang mga munting regalo sa Pasko ay magandang paraan upang magawang mas kasiya-siya ang isang imbitasyon o mensahe ng ebanghelyo.
Ano kaya kung magbigay ka ng isang plato ng cookies kasama ng iyong paboritong banal na kasulatan? O kaya mga fudge at isang quote o sipi tungkol sa Pasko? Napakagandang ideya ito!
-
Mas ninanais ng mga pamilya na magkakasama sila.
Ang makasama ang pamilya ay isang malaking bahagi ng mga tradisyon tuwing Pasko, kung kaya’t madaling pag-usapan ang tungkol sa iyong pamilya, ang ginagawa ninyo sa panahon ng Kapaskuhan, at ang mga paniniwala mo tungkol sa mga pamilya.
-
Uso ang mga Christmas light at mainit na tsokolate.
Uminom ng mainit na tsokolate o kaya nama’y tingnan ang mga Pamaskong dekorasyon sa bayan para sa family home evening o sa aktibidad ng Mutual. Ang mga aktibidad sa panahon ng Kapaskuhan ay masaya para sa lahat, at isa itong magandang paraan upang makita ng isang kaibigan kung paano mo ipinamumuhay ang iyong relihiyon.
-
Ang Christmas Mormon Messages ay napakaganda at madaling ibahagi.
Dalhin ang diwa ng Pasko sa social media sa pamamagitan ng pagbabahagi ng “A Savior Is Born—Christmas Video”! Ilan sa iyong mga kaibigan sa Facebook ang matutuwang mapanood ang isang munting anghel na tumulong sa bugnuting janitor sa “The Reason Behind Christmas” o ang isang magandang kuwento tungkol sa pagiging hindi makasarili sa “The Coat: A Story of Charity”? Hanapin sa LDS.org o sa Mormon Channel ang mga ito at ang iba pang magagandang mensaheng Pamasko na maibabahagi.
-
Ang Pasko ay pagdiriwang para sa Tagapagligtas.
Maraming mga Kristiyano ang mas nakatuon sa Tagapagligtas sa panahon ng Kapaskuhan. Bukod sa pagbabahagi ng mga ideya sa pang-araw-araw na paglilingkod, bibigyang-diin din ng Mormon.org ang mga turo at paraan ng Tagapagligtas upang tayo ay “Maging Ilaw ng Sanglibutan.” Maaaring iyan ang hinahanap ng iyong mga kaibigan upang ipagdiwang si Cristo at ang Pasko.
-
Napakaraming paraan upang magbigay at maglingkod sa panahon ng Kapaskuhan!
Ang paglilingkod ay napakagandang paraan upang maging missionary, at maraming mga oportunidad para makapaglingkod sa kapwa sa panahon ng Kapaskuhan. Maaari kang bumisita sa isang nursing home, kumanta ng mga awiting Pamasko sa isang kapitbahay, o magbigay ng mga pagkain o iba pang mga bagay sa isang shelter sa inyong lugar. Makakahanap ka ng mga ideya para sa paglilingkod sa unang 25 araw ng Disyembre sa pagbisita sa Mormon.org.
Ano pa ang hinihintay mo?
Dahil sa ebanghelyo, alam mo ang tungkol kay Jesucristo at ang lahat ng pag-asang dala Niya. Isa itong kamangha-manghang regalo, at ito ay maaari mong ibigay sa iba. Kung taos-puso kang hihingi sa Ama sa Langit ng mga oportunidad na maibahagi ang ebanghelyo, bibigyan ka Niya ng inspirasyon upang malaman mo kung sino ang maaari mong kausapin. Ang Pasko ay panahon ng pagbabahagi, ng pagbibigayan, at ng paggunita kay Jesucristo.