Ang mga North American Area ay Pinangangasiwaan na Ngayon ng mga Area Presidency
Ipinahayag na ng Unang Panguluhan na ang mga area sa Estados Unidos at Canada—na dating pinangangasiwaan ng mga miyembro ng Panguluhan ng Pitumpu—ay pangangasiwaan na ng mga Area Presidency. Ang pagbabagong ito ay magkakabisa sa Agosto 1.
“Ang paglikha ng mga Area Presidency para sa Estados Unidos at Canada ay isang mahalagang hakbang sa pag-unlad,” sabi ni Pangulong M. Russell Ballard, Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol. “Dahil dito, matutuunan ng mga Kapatid na ito ang partikular na mga pangangailangan ng bawat rehiyon, nagbibigay ng payo at tagubilin sa mga lider sa rehiyon at lokalidad. Binibigyan din nito ang Panguluhan ng Pitumpu ng mas malaking kakayahang matulungan ang Korum ng Labindalawa sa kanilang gawain at gumanap sa iba pang mga tungkulin.”