2018
Bago Ka Hiranging Maglingkod
August 2018


Paghahanda sa Buhay

Bago Ka Hiranging Maglingkod

Paano ba ang maglingkod sa isang misyon?

young men

Naisip mo na bang maglingkod sa isang misyon? Kung oo, marahil ay napasa-isip mo kung paano nga ba iyon. Narito ang iyong pagkakataon na magtanong sa mga full-time missionary (hindi mga tunay na missionary, ngunit ang mga sagot ay pangkaraniwan):

Ikaw: “Hello, mga elder. Ano nga ba ang pangkaraniwang araw ninyo?”

Mga full-time missionary: “Maaga kaming gumigising—6:30 ng umaga. Sa susunod na dalawang oras, pinag-aaralan namin ang ebanghelyo at ang wika ng aming misyon. Nirerepaso namin ang aming mga layunin para sa linggong iyon at pinaplano ang aming araw. Nag-iisip din kami ng mga back up na plano kung ang mga tao ay hindi makakadalo sa kanilang tipanan. Pagkatapos ay lumalabas na kami, at nagtatrabaho kami buong araw, naghahanap ng mga taong tuturuan, iniuugnay ang gawain sa mga miyembro, at nagtatakda ng mga pagtuturo.”

Ikaw: “Nadama na ba ninyo ang pangungulila sa tahanan?”

Mga full-time missionary: “Oo, lalo na sa simula ng aming mga misyon. Ngunit makakapagpadala kami ng email sa aming mga pamilya at makakapagbasa ng mga email mula sa kanila minsan sa isang linggo. Nalaman namin na ang pinakamainam na paraan upang malabanan ang pangungulila ay ang pagtutok sa aming gawain.”

missionary among members

Ikaw: “Ano ang nararamdaman ninyo sa pakikipag-usap sa mga estranghero?”

Mga full-time missionary: “Talagang kinakabahan kami noong una kaming dumating dito, ngunit masasanay ka rin dahil araw-araw mo itong ginagawa. Alam namin na hindi lahat na aming makikilala ay nanaising marinig ang aming mensahe, ngunit ang ilan ay interesado, kung kaya’t dapat kaming handang magsalita anumang oras. Nakatutuwa naman talagang makipagkilala sa mga tao at makilala pa sila.”

Ikaw: “Mahirap bang magturo ng ebanghelyo?”

Mga full-time missionary: “Oo, ang pagiging magaling dito ay nangangailangan ng pagsasanay, ngunit nagkaroon kami ng mahusay na pagsasanay sa missionary training center. Sinisikap naming ituro ang mga aralin sa paraang tutugon sa mga pangangailangan at sinasagot ang mga katanungan ng mga taong tinuturuan namin. Pinag-aaralan namin ang ebanghelyo araw-araw upang maituro namin ito nang mabuti. Ang pinakamahalaga, nadarama namin ang patnubay ng Espiritu. Ang maitalaga bilang misyonero ay nakatutulong din.”

Ikaw: “Mahirap na gawain ba ang magmisyon?”

Mga full-time missionary: “Oo, nagtatrabaho kami ng 70 oras kada linggo, ngunit kasiya-siya ito. Siyempre nalulungkot kami kapag ang mga tao ay hindi umuunlad tulad ng inaasahan namin, ngunit sa pangkalahatan, isang pagpapala na maging instrumento sa kamay ng Panginoon na tulungan ang mga tao na espirituwal na umunlad. Sinisika;p naming magturo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo dahil batid naming tanging ang Espiritu ang makatutulong sa mga tao na magkaroon ng mga patotoo at magbagong-loob.”

missionaries talking and walking

Ikaw: “Paano kung hindi ako sigurado na mayroon akong patotoo?”

Mga full-time missionary: “Ayos lang iyon—patuloy na manalangin at magbasa ng mga banal na kasulatan! Pumunta sa simbahan at sa seminary. Magpunta sa templo kapag kaya mo. Umasa sa Panginoon at sa Kanyang mga aral. Mas maraming pagkakataong madama mo ang Espiritu, mas magiging malakas ang iyong patotoo. Sanaying ibahagi ang iyong mga paniniwala sa family home evening. Basahin ang Aklat ni Mormon. Makatutulong ito sa iyo na ituro ang ebanghelyo.”

Ikaw: “Paano ka naghanda para sa iyong misyon?”

Mga full-time missionary: “Inabot ito ng maraming taon. Pinag-aralan namin ang mga banal na kasulatan, lalo na ang Aklat ni Mormon. Nagtrabaho at nag-ipon kami ng pera. Ngunit sana binasa namin ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo at dumalo sa mga klase ng mission-preparation nang mas madalas. Sana natuto rin kaming magluto!”

Ikaw: “Sa tingin ba ninyo ay maaari akong maging missionary?”

Mga full-time missionary: “Oo naman! May 70,000 mga missionary sa buong mundo. At nagsisimula ang lahat ng ito sa pagnanais: ‘Samakatwid, kung ikaw ay may mga naising maglingkod sa Diyos ikaw ay tinatawag sa gawain’ (D at T 4:3). Ngunit mangangailangan din ito ng ilang paghahanda—kailangan mong maghanda hindi lamang sa espirituwal kundi maging sa pinansiyal, pisikal, at sosyal din.”

missionaries walking in the rain

Ikaw: “Ano pa ang makatutulong sa aking makapaghanda?”

Mga full-time missionary: “Gawing mithiin na ipamuhay ang ebanghelyo at sundin ang mga kautusan sa abot ng iyong makakaya. Makatutulong ito upang mapalakas ang iyong patotoo at makatutulong sa iyo na maging karapat-dapat sa Espiritu. Kapag isa kang missionary, nanaisin mong magpatotoo sa mga tao mula sa mga personal na karanasan na totoo ang ebanghelyo. Kung kaya’t maglaan na ngayon ng oras upang mas matutuhan pa ang tungkol sa mga alituntunin ng ebanghelyo at ipamuhay ang mga alituntuning iyon sa iyong buhay.”

Mga full-time missionary: “Iminumungkahi rin namin na basahin mo ang mga katanungan sa mga sumusunod na pahina. Ang mga ito ang itatanong sa iyo ng iyong bishop o branch president habang sinasagutan mo ang iyong missionary form. Ang malaman ngayon ang mga tanong na ito ay makatutulong sa iyong maghanda. Talakayin ito sa iyong mga magulang at mga lider ng Simbahan. Maraming katanungan, ngunit huwag mataranta—hindi naman sa kailangan mong mag-ulat bukas sa missionary training center! Magbigay ng sapat na panahon na kailangan mo upang maghanda nang sa gayon kapag dumating na ang unang araw ng iyong pagmimisyon, ikaw ay karapat-dapat, nasasabik, at handang maglingkod.”