2018
Football at mga Araw ng Linggo
August 2018


Football at mga Araw ng Linggo

Football and Sundays

Sa Germany, ang football ang pinaka-popular na isport. Isinali ako ng dad ko sa isang football club noong ako ay limang taong gulang. Nagsanay kami nang tatlo o apat na beses sa isang linggo. Karaniwang ginaganap ang mga laro kapag Sabado at Linggo. Kapag hindi ako naglalaro ng football para sa koponan ng club, naglalaro ako ng football kasama ang mga kaibigan ko. Halos araw-araw kaming naglalaro ng football hanggang sa paglubog ng araw.

Noong 15 taong gulang ako, nagsimula akong maglaro para sa isang koponan sa mas malaking lunsod. Naging mas seryoso ang football. Mas madalas kaming magsanay. Nagpunta kami sa mas maraming lugar. Naglaro kami laban sa mas marami pang koponan. Football ang buhay ko.

Pagkatapos, noong halos 18 taong gulang na ako, nasa isang konsiyerto ako. Nakita ko ang isang binatilyo na halos kasing-edad ko. Namumukod-tangi siya. Hindi siya umiinom, naninigarilyo, o nagmumura. Nais kong malaman kung bakit. Nalaman ko na isa siyang miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang halimbawa niya ang nagbunsod sa akin na alamin pa ang tungkol dito. Kalaunan ay sumapi ako sa Simbahan.

Matapos akong mabinyagan, natutuhan ko ang dalawang bagay. Una, hindi ako dapat maglaro ng football sa araw ng Sabbath. Dapat akong magsimba. Ikalawa, inaasahan ng Ama sa Langit na maglingkod ako sa misyon. Ngunit may kahusayan akong maglaro ng football. May isa akong kaibigan na kasama kong naglalaro ng football noong lumalaki kami. Kapwa kami tumanggap ng alok na maglaro sa propesyonal na koponan. Tinanggap ng kaibigan ko ang alok. Pinili kong lisanin ang football at sa halip ay nagmisyon ako. Hindi ito mahirap na desisyon dahil alam ko na ang Simbahan ay totoo.

Subalit mahirap para sa pamilya at mga kaibigan ko ang pinili ko. Hindi nila maintindihan ang ginagawa ko. Pinadalhan ako ng mga magulang ko ng mga sipi sa pahayagan ng kaibigan kong naglalaro ng football. Hindi iyon madali para sa akin. Subalit hindi ko pinagsisihan kailanman na maglingkod sa misyon.

Araw-araw akong pinagpapala ng Ama sa Langit dahil pinili kong maglingkod sa misyon. Biniyayaan Niya ako ng kapayapaan. Nadama ko ang magandang pakiramdam na dulot ng pagpili ng tamang desisyon.