2018
Isang Nagliliwanag na Patotoo
August 2018


Paliwanagin ang Iyong Ilaw

Isang Nagliliwanag na Patotoo

A Shining Testimony

Hi! Ang pangalan ko ay Steffani! Sinisikap kong paliwanagin ang aking ilaw sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking patotoo.

Isang Magandang Isla

Nakatira ako sa Sri Lanka. Isa itong magandang bansang isla na malapit sa dulong timog ng India. Mayroon kaming tropikal na kagubatan, isang asul na dagat, at sinaunang mga labi ng kasaysayan. Mahal ko ang bansa ko!

Mga Kaibigan Mula sa Lahat ng Dako

Ang paaralan ko ay may mga mag-aaral mula sa maraming bansa. Ang ilan ay Kristiyano, Muslim, Hindu at Buddhist. Lahat kami ay mababait at magigiliw sa bawat isa.

1 . Isang Nakatatakot na Paanyaya

Isang araw nagkaroon ng espesyal na pagtitipon ang mga Kristiyanong mag-aaral. Inanyayahan kaming ibahagi ang aming mga patotoo. Napuno ng katahimikan ang silid. Walang umakyat sa entablado. Lahat ay takot na takot! Napakamahiyain ko, kung kaya’t gayon din ang naramdaman ko.

2. “Pumunta ka na roon, Bilis”

Pagkatapos, may init na humaplos sa akin, at nadama ko ang Espiritu Santo na nagsabi sa akin ng, “Pumunta ka na roon, bilis.” Nagsambit ako ng mabilis na panalangin sa puso ko. Naglakad ako patungo sa entablado na puno ng tila mga paru-parong lumilipad sa tiyan ko dahil sa kaba.

3. Pagbabahagi ng Aking Patotoo

Sinabi ko sa mga kaklase ko na mahal tayo ng Ama sa Langit at nais Niyang madalas na makipag-usap tayo sa Kanya. Ibinahagi ko ang aking mga karanasan sa panalangin. Sinabi ko na alam kong palaging nakikinig sa akin ang Ama sa Langit at nais akong tulungan. Natutuwa ako’t nagkaroon ako ng lakas ng loob na ibahagi ang aking patotoo. Nadama ko na parang naging nagliliwanag na ilaw ako sa isang tahimik na silid.

4. Humayo at Gawin

Ang paborito kong kuwento sa banal na kasulatan ay nasa Aklat ni Mormon, kung saan sinabi ni Nephi na siya ay hahayo at gagawin ang iniuutos ng Panginoon. Nawa’y lagi akong magkaroon ng lakas ng loob na gawin ang kinakailangan na ipinagagawa sa akin ng Ama sa Langit.