Ang Aking Notebook sa Kumperensya
Pangkalahatang Kumperensya ng Abril 2018
Anong gagawin ko?
Naantig ako sa mensahe ni Pangulong Nelson sa kumperensya na nais ng Diyos na makipag-usap sa akin at sabihin sa akin ang nais Niyang gawin ko. Naisip kong susubukan ko ito ngayon. Nagdasal ako na makatulong ako ngayong araw sa isang tao. Pagkatapos magtanghalian kinailangan kong kargahan ng gas ang kotse ko. Pumasok sa isip ko na kailangan kong ibili ng gas ang isang tao. Medyo nagdududa, naisip kong, “Tingnan natin.” Nagsimula na akong magkarga ng gas. Isang minivan ang tumigil sa tabi ko, at bumaba ang isang babae kasama ang kanyang anak. Inilabas niya ang kanyang pitaka at binuklat-buklat ito.
Patapos na ako sa pagkakarga ng gas nang marinig kong sinabi niya nang medyo nahihiya, “Excuse me.” Lumingon ako at nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
Sinabi ko sa kanya na may dapat akong ibili ng gas ngayon. “Ikaw ba ‘yun?” Nagulat siya, at nagsimula siyang mapaluha. “May nakamasid sa iyo ngayon,” sabi niya. Lumakad ako palibot sa gas pump at in-insert ko ang credit card ko. Pagkatapos ay sumakay na ako sa kotse ko at umalis, natitiyak na may nakamasid din sa akin sa itaas. Salamat, O Diyos, sa propeta!”
—Jonathan Benson, nai-share ang kuwento sa Liahona Facebook page
Pagnilayan ito …
Ano ang gagawin ko kung may isang araw pa ako para mabuhay?
Tingnan sa Elder Taylor G. Godoy ng Pitumpu, “Isa Pang Araw,” Liahona, Mayo 2018, 34–36.
Ibahagi ang mga naiisip mo sa Liahona Facebook page, o isulat sa iyong journal ang mga naiisip mo!
Ministering
Sa pangkalahatang kumperensya ay marami sa ating mga lider ang nagsalita tungkol sa ministering. Habang pinag-aaralan mo ang pinakabagong mga mensahe, tingnan kung matutukoy mo ang mahahalagang katangian ng ministering. Narito ang ilang mensahe para makapagsimula ka:
-
Henry B. Eyring, “Mapasainyo ang Kanyang Espiritu,” Liahona, Mayo 2018, 86–89.
-
Henry B. Eyring, “Inspiradong Pagmiministeryo,” Liahona, Mayo 2018, 61–64.
-
Jeffrey R. Holland, “Makapiling at Palakasin Sila,” Liahona, Mayo 2018, 101–3.
-
Jean B. Bingham, “Paglilingkod na Tulad ng Ginagawa ng Tagapagligtas,” Liahona, Mayo 2018, 104–7.
Nakatutuwang Katotohanan!
-
103,221 na mga missionary ang kasalukuyang naglilingkod:
67,049 ang full-time
36,172 ang Church-service
-
7 bagong mga templo ang ibinalitang itatayo sa Salta, Argentina; Bengaluru, India; Managua, Nicaragua; Cagayan de Oro, Philippines; Utah, USA; Virginia, USA; at sa isang lungsod na aalamin pa sa Russia. Tingnan ang mapa sa itaas.