2018
Mga Tanong sa Interbyu
August 2018


Mga Tanong sa Interbyu

elders in Madagascar

Kapag pinili mong magmisyon, nanaisin mo at ng mga lider ng Simbahan na maging masaya at nakapagbibigay-inspirasyon ang banal na panahong ito. Taglay sa isipan ang mithiing ito, mahalaga para sa iyo na maging handa, karapat-dapat, at may kakayahang maglingkod.

Para matulungan kang maghanda, narito ang mga itatanong sa iyo ng iyong bishop o branch president upang malaman kung gaano ka kahanda. Maaari mo itong talakayin anumang oras sa kanya at sa iyong mga magulang o mga lider ng Simbahan.

Pagiging Karapat-dapat at Patotoo

1. May pananampalataya at patotoo ka ba sa Diyos Amang Walang Hanggan, sa Kanyang Anak na si Jesucristo, at sa Espiritu Santo?

2. May patotoo ka ba na si Jesucristo ang Bugtong na Anak ng Diyos at ang Tagapagligtas at Manunubos ng daigdig? Mangyaring ibahagi sa akin ang iyong patotoo. Paano nakaimpluwensiya ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo sa buhay mo?

3. Ano ang ibig sabihin sa iyo ng magsisi? Nadarama mo bang ganap mo nang napagsisihan ang mga naging kasalanan mo noon?

4. Maaari mo bang ibahagi sa akin ang iyong patotoo na ang ebanghelyo at ang Simbahan ni Jesucristo ay naipanumbalik sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith at na si Pangulong Russell M. Nelson ay isang propeta ng Diyos?

5. May patotoo ka ba sa katotohanan ng Aklat ni Mormon?

6. Ang paglilingkod bilang full-time missionary ay nangangailangan ng pagsasabuhay ng mga pamantayan ng ebanghelyo. Ano ang pagkaunawa mo sa sumusunod na mga pamantayan?

a. Ang batas ng kalinisang-puri

Tungkol sa batas ng kalinisang-puri, palagi ka bang namumuhay alinsunod sa kung ano ang tinalakay? Kung hindi, gaano na katagal mula nang nangyari ang (mga) paglabag? Ano ang ginawa mo para magsisi?

b. Pag-iwas sa pornograpiya

c. Ang batas ng ikapu

d. Ang Word of Wisdom, kasama na ang paggamit ng droga o ang pag-aabuso sa mga iniresetang gamot

e. Pagpapanatiling banal ng araw ng Sabbath

f. Pagiging tapat sa lahat ng iyong sinasabi at ginagawa

Namuhay ka ba alinsunod sa lahat ng pamantayang ito? Namumuhay ka ba ngayon alinsunod sa mga ito? Magagawa mo bang mabuhay alinsunod sa mga ito bilang full-time missionary?

Kakayahan at Karapatang Mahirang sa Tungkulin

7. May mga legal na kaso bang nakasampa laban sa iyo?

8. Nakagawa ka na ba ng isang mabigat na paglabag sa batas, inaresto ka man o hindi, nasintensyahan, o binura sa talaan?

9. Nagawa mo bang seksuwal na abusuhin ang isang bata sa anumang paraan, kinasuhan ka man o hindi, nasintensyahan, o binura sa talaan?

10. Nakagawa ka ba ng iba pang seryosong pagkakamali o kalokohan na dapat maayos bago ka magmisyon?

11. Ikaw ba ay sumusuporta, umaanib, o sumasang-ayon sa anumang grupo o tao na ang mga turo o gawain ay salungat o hindi naaayon sa mga pinaniniwalaan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw?

12. Mayroon ka bang hindi pa nababayarang mga utang? Paano mababayaran ang mga utang na ito bago ka magmisyon o pamamahalaan ito habang naglilingkod ka sa misyon?

13. Sa kasalukuyan ba ay mayroon ka o nagkaroon ng anumang pisikal, mental, o emosyonal na kundisyon na magpapahirap sa iyo na panatilihin ang normal na iskedyul ng missionary, na hihilinging magtrabaho ka ng 12-15 oras bawat araw, kasama na ang pag-aaral ng 2-4 oras bawat araw, maglalakad o magbibisikleta ng hanggang 8-10 oras bawat araw, at iba pa?

14. Nasuri ka ba o tumanggap ng panggagamot para sa dyslexia o iba pang kapansanan sa pagbabasa? Kung oo, komportable ka bang basahin nang malakas ang mga banal na kasulatan at iba pang mga dokumento? Naniniwala ka ba na maisasaulo mo ang mga angkop na mga banal na kasulatan at iba pang mga impormasyon sa tulong ng iyong companion? Sa paanong mga paraan mo ngayon pinupunan ang iyong kapansanan?

15. Nasuri ka ba o tumanggap ng panggagamot para sa kapansanan sa pagsasalita? Kung oo, komportable ka bang magsalita sa harapan ng ibang tao? Nararamdaman mo ba na may sapat na mga kakayahan ka na makakatulong sa iyong matuto, magturo, at makipag-ugnayan?

16. May iniinom ka bang gamot o kaya ay ginagamot para sa alinman sa mga sumusunod na kundisyon: attention deficit disorder (ADD), attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), pagkabalisa, depresyon, obsessive compulsive disorder (OCD), o autism spectrum disorder (kabilang ang Asperger’s)? Kung oo, ipaliwanag.

17. Kung ginagamot ka para sa isa sa mga kundisyong ito at huminto sa pagpapagamot, ginawa mo ba ito ayon sa payo ng doktor? Kung hindi, bakit ka tumigil? Gaano kaayos ang kundisyon mo nang hindi nagpapagamot o walang medisina? Kailan ka huling uminom ng gamot para sa mga kundisyong ito?