Mga Kaalaman tungkol sa Aklat ni Mormon
Si Jesucristo ay ang …
Lumikha
“Siya ay tatawaging Jesucristo, ang Anak ng Diyos, ang Ama ng langit at lupa, ang Lumikha ng lahat ng bagay mula sa simula” (Mosias 3:8).
Mabuting Pastol
“Ang mabuting pastol ay tumatawag sa inyo; oo, at sa kanyang sariling pangalan kayo ay tinatawag niya, na ang pangalan ay Cristo” (Alma 5:38).
Banal ng Israel
“Masdan, ang daan para sa tao ay makipot, ngunit ito’y nasa isang tuwid na daraanan sa harapan niya, at ang Banal ng Israel ang tanod ng pasukan; at wala siyang inuupahang tagapaglingkod doon” (2 Nephi 9:41).
Kordero ng Diyos
“Ang Kordero ng Diyos ang Anak ng Amang Walang Hanggan, at ang Tagapagligtas ng sanlibutan; at … ang lahat ng tao ay kinakailangang lumapit sa kanya, o sila ay hindi maaaring maligtas” (1 Nephi 13:40).
Mesiyas
“Pinatotohanan [ni Lehi] na ang mga bagay na kanyang nakita at narinig, at gayon din ang mga bagay na kanyang nabasa sa aklat, ay maliwanag na ipinaaalam ang tungkol sa pagparito ng Mesiyas” (1 Nephi 1:19).
Bugtong na Anak
“Ang sinumang magsisisi, at hindi patitigasin ang kanyang puso, siya ay magkakaroon ng pag-angkin sa awa sa pamamagitan ng aking Bugtong na Anak, sa ikapagpapatawad ng kanyang mga kasalanan” (Alma 12:34).
Manunubos
“Alam ko na ikaw ay tinubos, dahil sa kabutihan ng iyong Manunubos; sapagkat namamasdan mo na sa kaganapan ng panahon siya ay paparito upang magdala ng kaligtasan sa tao” (2 Nephi 2:3).
Tagapagligtas
“Kung sakaling kayo ay maniniwala kay Cristo, at magpabinyag, una ay sa tubig, at pagkatapos ay sa apoy at sa Espiritu Santo, na sinusunod ang halimbawa ng ating Tagapagligtas, … iyon ay higit na mabuti para sa inyo sa araw ng paghuhukom”(Mormon 7:10).
Anak ng Diyos
“Dahil sa nagkatawang-tao siya, tatawagin siyang Anak ng Diyos” (Mosias 15:2).