AngPinakamasayangYakap sa Lahat!
Ang awtor ay nakatira sa Utah, USA
Mahilig si Ellie sa yakap. Mga yakap mula sa kanyang ama. Mga yakap mula sa kanyang lolo’t lola. Mga yakap mula sa kanyang ina. Ang mga yakap ay nagbibigay sa kanya ng sigla. At seguridad. At saya.
Kaya niyakap ni Ellie ang kanyang ina sa simbahan. Gustung-gusto niyang kumalong sa kanyang ina. Palagi siyang niyayakap ng kanyang ina.
At natapos ang sacrament meeting. Oras na para sa Primary. Gustung-gusto ni Ellie ang Primary. Malaki na siya ngayon. Tatlong taong gulang na! May sarili na siyang mga banal na kasulatan!
Pero ngayon, ayaw nang bumitaw ni Ellie sa yakap ng kanyang ina.
Kinarga si Ellie ng kanyang ina papunta sa pasilyo. Sa silid ng Primary, pinaupo si Ellie ng kanyang ina.
“Pwede po ba akong sumama sa inyo?” sabi ni Ellie.
“Hindi pwede,” sagot ng kanyang ina. Mahinahon ang tinig nito. “Kailangan mong dumalo sa iyong klase,” sabi nito. “At kailangan kong dumalo sa aking klase.”
Hinagkan si Ellie ng kanyang ina sa pisngi. Pagkatapos ay lumabas na ito.
Nadama ni Ellie ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga pisngi.
Naisip niya ang pagyakap sa kanya ng kanyang ina. Lagi siyang kalong ng kanyang ina kapag nagbabasa sila ng Aklat ni Mormon. Kadalasan, nagbabasa sila kasama ang kanilang pamilya. Pero kung minsan, si Ellie at ang kanyang ina lang ang nagbabasa.
Kinuha ni Ellie ang kanyang Aklat ni Mormon. May larawan ni Jesus sa loob nito.
Isinara ni Ellie ang aklat at niyakap niya ito. Pakiramdam niya ay tila yakap niya si Jesus. Nakadama siya ng sigla. At seguridad. At saya. Iyon ang pinakamasayang yakap sa lahat! ●