2020
Ano ang Paglalarawan sa Jerusalem noong Panahon ni Lehi?
Enero 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Ano ang Paglalarawansa Jerusalem noong Panahon ni Lehi?

Enero 6–12 1 Nephi 1–7

Photograph of Jerusalem

Larawan mula sa Getty Images

Ang kabisera ng kaharian ng Juda, na puno ng sabwatan at kasamaan sa pulitika. Ang nakalipas na dekada ay puno ng panganib. Ang mga hari ng Juda ay pinatay o binihag; sapilitang pinalakad ang mga Judio papunta sa Babilonia; ang mga propeta, tulad ni Jeremias, ay pinagbantaan at ibinilanggo. Dahil dito, hindi nakapagtataka na inutusan ng Panginoon si Lehi na tumakas (tingnan sa 1 Nephi 2:1–2).

  • Populasyon:25,000(malaki ayon sa mga sinaunang pamantayan)

  • Kalupaan: disyerto, mayayabong na lambak, pababang kaburulan

  • Pera: tinitimbang (pilak, tanso, ginto; walang barya)

  • Wika: Hebreo

  • Mga Manggagawa: mga panday, mangangalakal, alipin (itinuturing na miyembro ng pamilya); marami ring magsasaka

  • Pagkain: prutas, tinapay, oliba, igos, nilaga

  • Kasuotan: magaspang na lana, sandalyas; puting damit para sa mga saserdote

  • Relihiyon: tiwali, sumasamba sa mga diyus-diyusan; ang mga bulaang propeta ay naghahayag ng kapayapaan; ang pag-ihip sa trumpetang gawa sa sungay ng tupa ay nagpapahayag ng pagdarasal sa araw-araw

  • Istrukturang panlipunan: patriyarkal, kabilang ang nakatatanda ng lungsod, mga pinuno ng mga pamilya, at ang mahuhusay, o “kalalakihang isinilang sa kilalang angkan”

  • Mga pamilya: ang mga sambahayan ay binubuo ng maraming tahanan na nakapalibot sa isang patyo, pinamumunuan ng ama. Kasama ang mga pamilya ng mga anak na lalaki, mga anak na babae at tiya na hindi kasal, at matatandang kamag-anak.

  • Militar: wala noong panahong iyon. Sinumang sundalo ay taga-Babilonia, kung kanino nagbabayad ng buwis ang Juda.