Mula sa Unang Panguluhan
Ang Napakahalagang Aklat ni Mormon
Hango sa “Pakikibahagi ng Kababaihan sa Pagtitipon ng Israel,” Liahona, Nob. 2018, 68–70; at “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?” Liahona, Nob. 2017, 60–63.
Gaano kahalaga sa inyo ang Aklat ni Mormon? Kung aalukin kayo ng mga diyamante o mga rubi o ng Aklat ni Mormon, alin ang pipiliin ninyo? Ang Aklat ni Mormon ay tunay na salita ng Diyos. Nagtuturo ito tungkol kay Jesucristo.
Inaanyayahan ko kayong basahin ang Aklat ni Mormon araw-araw. Ipagdasal at pag-isipan ang natututuhan ninyo.
Habang nagbabasa at nagdarasal kayo, ipinapangako ko:
-
Madarama ninyong mas napapalapit kayo sa Tagapagligtas.
-
Makakagawa kayo ng mas mabubuting pagpili—araw-araw.
-
Tutulungan at bibigyang-inspirasyon kayo ng Ama sa Langit.
-
Mapaglalabanan ninyo ang mga tukso.
-
Papanatagin, papalakasin, at papasayahin kayo ng Aklat ni Mormon.
-
Magsisimulang magkaroon ng mga pagbabago at himala!
Paano NagingNapakahalaga ngAklat ni Mormonsa Inyo?
Ngayong taon nagtitipon kami ng mga kuwento, larawan, at drowing tungkol sa napakahalagang Aklat ni Mormon. Ipapakita namin ang mga ito at ilalathala ang ilan sa mga ito sa magasin!
Ipadala sa Amin ang Inyong Likhang-sining o Karanasan!
-
Magdrowing, kumuha ng larawan, o magsulat tungkol sa Aklat ni Mormon.
-
Ipadala ito sa amin! Tingnan ang pabalat sa likod para malaman kung paano.
-
Abangan ang Kaibigan buwan-buwan para makita kung paano sinusunod ng mga bata ang paanyaya ni Pangulong Nelson na basahin ang Aklat ni Mormon.