Si Cristo’y Ikinuk’wento
Maningning [sangkapat na nota] = 72
1. Panginoon pinakinggan
Ni Lehi at tahana’y nilisan,
Mga anak, binalikan
Banal na kasulatan.
2. Sa mga tansong lamina,
Panginoo’y nakilala nila.
Propeta’y sinunod nila,
Lahat ay sumagana.
3. Ang ating Tagapagligtas
Nang magbangon, sila’y binisita.
Binasbasan mga bata;
Lagi kong binabasa.
Si Cristo’y ikinuk’wento
Dama ang Espiritu Santo.
Aking naririnig tinig ng Diyos,
Doon sa Aklat ni Mormon.