2020
Ano ang Kinakatawan ng Bunga sa Pangitain ni Lehi?
Enero 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Ano ang Kinakatawan ng Bunga sa Pangitain ni Lehi?

Enero 13–19 1 Nephi 8–10

Tree of life

Tree of Life [Punungkahoy ng Buhay], ni Kazuto Uota, © 2015 ng Intellectual Reserve, Inc. Lahat ngkarapatan ay nakalaan.

Sa pangitain ni Lehi, ano ang kinakatawan ng bunga, na “pinakakanais-nais sa lahat ng bagay”? (1 Nephi 11:22).

“Ang bunga ng puno ay simbolo ng mga pagpapala ng Pagbabayad-sala [ni Jesucristo]. Ang pagkain ng bunga ay sumasagisag sa pagtanggap ng mga ordenansa at tipan upang maging lubos na mabisa sa ating buhay ang Pagbabayad-sala” (David A. Bednar, “Panaginip ni Lehi: Paghawak nang Mahigpit sa Gabay,” Liahona, Okt. 2011, 34).

Kabilang sa mga ordenansang ito ang binyag, kumpirmasyon, ang sakramento, ordenasyon sa priesthood para sa kalalakihan, at mga ordenansa sa templo.

Paghahanap sa Bunga

Ang gabay na bakal, o salita ng Diyos, ay umaakay sa atin patungo kay Jesucristo dahil ang mga banal na kasulatan at mga propeta ngayon ay nag-aanyaya sa atin na makibahagi sa mga ordenansa at gumawa ng mga tipan at tumutulong sa atin na maunawaan ang mga turo, misyon, at sakripisyo ni Jesucristo.

  • Anong mga salita mula sa mga banal na kasulatan o mula sa mga propeta ngayon ang umakay sa inyo patungo kay Jesucristo?

Pangangalaga sa Bunga

Sa pangitain ni Lehi, iniwan ng ilang tao ang bunga dahil sa panghahamak at panngungutya ng iba. Ang pangangalaga sa bunga ay pananatiling tapat sa ating mga tipan at pagpunta nang madalas sa mga lugar kung saan natin ginawa ang mga tipan.

Pagbabahagi sa Bunga

Matapos kainin ni Lehi ang bunga, ninais niyang ibahagi ito sa kanyang pamilya upang madama rin nila ang “labis na kagalakan” na nadama niya (1 Nephi 8:12).

  • Paano ninyo maibabahagi ang inyong pagmamahal kay Jesucristo at matutulungan ang iba na makibahagi sa mga ordenansa?