Kumusta mula sa Mongolia!
Kami sina Margo at Paolo.Naglalakbay kami sa iba’t ibang panig ng mundo upang matuto tungkol sa mga anak ng Diyos. Samahan kami sa pagbisita namin sa Mongolia!
Ang Mongolia ay nasa Asya, sa pagitan ng Tsina at Russia.
Mayroong humigit-kumulang 3 milyong tao sa Mongolia, at mga 12,000 miyembro ng Simbahan. Ano ang napapansin mo sa larawang ito na katulad sa iyong pamilya? Ano ang pagkakaiba?
Ito ang Mopmohpi Hom,ang Aklat ni Mormon.
Mas marami ang mga kabayo sa Mongolia kaysa sa mga tao! Ang mga pista ng mga taga-Mongolia ay may karera sa kabayo, pamamana, pakikipagbuno, sayawan, at masasarap na pagkain.
Maraming pamilya sa Mongolia ang nakatira sa kabisera, ang Ulaanbaatar.
Ang iba pang mga pamilya ay nakatira sa kanayunan. Nakatira sila sa mga tolda na tinatawag na gers at nag-aalaga sila ng mga hayop tulad ng mga yak, kabayo, at kamelyo.
Ang mga yak ay parang baka, kaya lang mas mabalahibo ang mga ito!
Kilalanin ang ilan sa ating mga kaibigan mula sa Mongolia!
Alam ko na si Jesucristo ay Anak ng Diyos at mahal Niya ako at ang lahat ng bata sa lahat ng lugar. Gustung-gusto kong magpunta sa simbahan at Primary, dahil kapag naroon ako natututo ako tungkol kay Jesus.
Bilegt, edad 7
Alam ko na mayroon tayong buhay na propeta, si Pangulong Russell M. Nelson. Nagtuturo siya ng mga bagay na totoo.
Gerelchimeg, edad 4
Taga-Mongolia ka ba?Sulatan kami!Masaya kaming makarinig mula sa iyo!
Salamat sa pagsama sa amin sa paglalakbay sa Mongolia. Hanggang sa muli!