Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ipinreserba ni Moroni ang mga Banal na Kasulatan para sa Atin
Basahin ang tungkol dito sa Mormon 8 at sa Pambungad sa Aklat ni Mormon.
Bumuo ng isang aklat ang propetang si Mormon tungkol kay Jesus. Isinulat niya ito sa mga laminang ginto. Bago siya namatay, hiniling ni Mormon sa kanyang anak na si Moroni na ingatan ang aklat.
Ginawa ni Moroni ang hiling ng kanyang ama. Iningatan niya ang mga lamina. Kung minsa’y kinailangan niyang magtago mula sa masasamang tao. Madalas ay malungkot siya. Pero alam niya na napakahalaga ng aklat.
Dinalaw ni Jesus si Moroni! Ipinakita Niya kay Moroni kung paano matutulungan ng aklat ang maraming taong katulad ko at ninyo. Idinagdag ni Moroni sa mga lamina ang kanyang patotoo. Sumulat siya sa atin na para bang naroon tayong kasama niya.
Sinabi ng Diyos kay Moroni na ibaon ang mga lamina upang mapanatili itong ligtas. Pagkaraan ng maraming taon, isinalin ni Joseph Smith ang mga ito. Ngayo’y nakalimbag na ang mga ito bilang Aklat ni Mormon.
Ang Aklat ni Mormon ay isinulat para sa akin! Matutulungan ako nito sa anumang problema. Ito ay isang handog mula sa Diyos.