Si Samuel at ang Bituin
Noong mga unang panahon, at sa ibayong-dagat, isang tao ng Diyos na nagngangalang Samuel ang nagpropesiya.
Marami siyang ikinuwento sa mga tao tungkol sa pagsilang ng ating Tagapagligtas. Binanggit niya sa kanila si Jesucristo, at kung paano Siya naparito sa mundo.
Hindi nakinig ang mga tao. Puno ng pagdududa ang kanilang mga puso. Kaya dinala nila si Samuel sa pintuan ng lungsod at inihagis siya palabas.
Ngunit ayaw sumuko ni Samuel. Kinailangan niyang ipaalam iyon sa kanila. Umakyat siya sa ibabaw ng pader ng lungsod at nanawagan sa kanila na nasa ibaba.
“Sa loob lamang ng limang taon paparito ang Panginoon, sa isang mabituing gabi, upang iligtas ang sangkatauhan mula sa lahat ng kanilang kasalanan, at ibigay sa sanlibutan ang Kanyang liwanag.”
“At kahit sa loob pa ito ng limang taon, at kahit malayo pa, lulubog ang araw, magsisimula ang gabi, ngunit maningning iyon na parang araw.”
Sumiklab ang galit ng mga tao at nagdabog sila. Wala raw darating na Cristo.
Inihagis nila ang kanilang mga bato. Nagliparan ang kanilang mga palaso. Walang tumama sa kanya, ni isa.
Naghintay ang matatapat, na pigil ang hininga, sa pag-asang mamamasdan nila—ang bituin, ang liwanag, ang mga pangako, na mas mahalaga kaysa ginto.
At pagkaraan ng limang taon, sa Bet-lehem, nakahimlay si Cristo sa isang sabsaban. Nakita nila ang liwanag at nalaman na Siya ay dumating na, ang kanilang Tagapagligtas, ang Panginoon ng lahat.
At tulad ng palaging nangyayari, kapag napakatapang ng mga propeta, tinutupad ng Panginoon ang Kanyang mga pangako, tulad ng pangako Niya kay Samuel noong araw.