Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon
Ano ang itinuturo sa atin ng mga propeta sa Aklat ni Mormon tungkol sa Pasko?
Pasko
(Disyembre 21–27)
Habang binabasa mo ang mga sumusunod na talata sa banal na kasulatan, ano ang itinuturo sa atin ng bawat propeta tungkol sa pagsilang ng Tagapagligtas? Isiping itala ang iyong mga iniisip o ibahagi ang mga ito sa iyong pamilya.
Nephi (mga 600 BC)
“Namasdan ko ang isang birhen … may dalang isang bata sa kanyang mga bisig. At sinabi sa akin ng anghel: Masdan ang Kordero ng Diyos, oo, maging ang Anak ng Walang Hanggang Ama!” (tingnan sa 1 Nephi 11:13–33).
Abinadi (mga 148 BC)
“Lahat ng propeta … mula pa sa simula ng daigdig—… hindi ba’t sinabi nila na ang Diyos na rin ang bababa sa mga anak ng tao … ?” (tingnan sa Mosias 13:33–35).
Haring Benjamin (mga 124 BC)
“Ang Panginoon … ay bababa … sa mga anak ng tao, … at siya ay tatawaging Jesucristo, ang Anak ng Diyos, … at ang kanyang ina ay tatawaging Maria” (tingnan sa Mosias 3:5–11).
Nakababatang Alma (mga 83 BC)
“Siya ay isisilang ni Maria, … maging ang Anak ng Diyos” (tingnan sa Alma 7:7–13).
Samuel, ang Lamanita (mga 6 BC)
“Limang taon pa ang lilipas, at masdan, pagkatapos ay paparito ang Anak ng Diyos” (tingnan sa Helaman 14:1–13).
Nephi, ang anak ni Helaman (mga AD 1)
“Ang tinig ng Panginoon ay nangusap sa kanya, sinasabing: … kinabukasan, paparito ako sa daigdig” (tingnan sa 3 Nephi 1:4–22).