Ang Ebanghelyo: Isang Angkla sa Panahon ng Pagbabago
Naranasan natin sa 2020 ang mga kalamidad na dulot ng kalikasan at ang isang pandaigdigang pandemya. Pinag-aralan natin ang Aklat ni Mormon sa pamamagitan ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin kasama ng ating mga kapatid sa malalapit at malalayong lugar. Nagkaisa tayo sa buong mundo sa pag-aayuno at pananampalataya.
Sa pabagu-bagong mundo, maaari nating iangkla ang ating kaluluwa sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo, at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Umaasa kami na ang mga ito at ang iba pang mga artikulo sa isyung ito ay tutulong sa inyo na madama ang diwa ng Pasko, ang Espiritu ng Panginoon:
-
Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson kung bakit kailangan natin ng Tagapagligtas (tingnan sa pahina 12).
-
Sa “Pagbabahagi ng Liwanag ng Tagapagligtas sa Pasko,” nagmungkahi kami ng ilang ideya para sa paglilingkod sa Kapaskuhan (tingnan sa pahina 8).
-
Isinulat ni Jakob Jones ang tungkol sa apat na kaloob na maibibigay natin sa Panginoon para maanyayahan ang kaloob na Espiritu Santo sa ating buhay (tingnan sa pahina 28).
-
Sa simula ng taong ito, inaprubahan ng Unang Panguluhan ang paglalathala ng tatlong bagong magasin ng Simbahan, na magsisimula sa susunod na buwan: isa para sa matatanda, isa para sa kabataan, at isa para sa mga bata. Ang mga magasing ito ay makukuha sa maraming wika, ihahatid nito ang ebanghelyo sa mga Banal sa mga Huling Araw sa buong mundo. Sa pamamagitan ng mga bagong magasing ito, patuloy nating maririnig ang tinig ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga tagapaglingkod at makauugnay tayo sa bawat isa bilang mga miyembro ng isang pandaigdigang Simbahan. (Alamin ang iba pa sa pahina 6.)
Maligayang Pasko mula sa mga kawani ng Liahona