Pag-asam sa Tatlong Bagong Magasin
Ang mga pagbabago sa mga magasin ng Simbahan ay hudyat sa buong mundo na lumalago ang Simbahan.
Tulad ng banal na kompas na pinagkunan ng pangalan nito (tingnan sa Alma 37:38–45), layon ng magasing Liahona na ituro ang mga mambabasa nito sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Ngayon ay sinisimulan nito ang isang bagong kabanata bilang bahagi ng kapana-panabik na mga pagbabago sa mga lathalain ng Simbahan.
Simula sa susunod na buwan, ang Simbahan ay maglalathala ng tatlong bagong pandaigdigang mga magasin: ang Liahona para sa matatanda, ang magasing Para sa Lakas ng mga Kabataan para sa mga kabataan, at ang magasin na Kaibigan para sa mga bata. Depende sa wika, ang mga magasin ay makukuha buwan-buwan o kada dalawang buwan.
Kung ikaw ay kasalukuyang subscriber ng Liahona, ang iyong suskrisyon ay awtomatikong magpapatuloy sa susunod na taon para sa anumang nalalabing panahon ng iyong suskrisyon. Kung nais ng inyong pamilya na makatanggap ng mga magasing Kaibigan o Para sa Lakas ng mga Kabataan, maaari kayong mag-subscribe sa isang lokal na distribution center o sa store.ChurchofJesusChrist.org.
Ang mga ward at branch ay hihikayating maglaan ng mga suskrisyon sa mga bagong binyag na miyembro gayundin sa mga bata at kabataan na nagsisimba nang hindi kasama ang kanilang mga magulang. Tingnan ang mga tampok na ito sa magasin at isipin kung paano kayo mapagpapala ng mga ito at ang inyong pamilya, at mga kaibigan.
Ang Liahona: Para sa Matatanda
Mga mensahe mula sa mga pinuno ng Simbahan
Mga karanasan mula sa matatapat na miyembro
Mga artikulong makakatulong sa pag-aaral ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Mahahalagang alituntunin ng ebanghelyo para sa mga bagong miyembro
Paningit at tampok na mga balita mula sa inyong lugar
Magasin na Para sa Lakas ng mga Kabataan: Para sa mga tinedyer
Mga mensahe mula sa mga pinuno ng Simbahan
Mga pakay-aralin para sa home evening
Mga sagot sa mga tanong mula sa mga kabataan
Mga artikulo tungkol sa media, mga pamantayan, mga kaibigan, at iba pang mga kaugnay na paksa
Ang Kaibigan: Para sa mga Bata
Mga mensahe mula sa mga pinuno ng Simbahan
Mga aktibidad para sa nakababatang mga bata
Mga kuwentong isinulat ng mga bata
Mga artikulong nagpapatatag sa pag-unawa sa ebanghelyo
Gawang-sining ng mga bata