Bawat taong may pananagutan sa lupa ay tinutukso. Maging ang Tagapagligtas ay tinukso. Pero kaya ba Niyang magkasala? Itinuro ni Pangulong Howard W. Hunter (1907–95): “Kung walang posibilidad na maaari siyang matukso ni Satanas, wala sanang magiging tunay na pagsubok, wala sanang tunay na tagumpay bilang resulta nito. … Siya ay perpekto at walang kasalanan, hindi dahil kailangan siyang maging gayon, kundi dahil malinaw at determinado siyang maging gayon” (“The Temptations of Christ,” Ensign, Nob. 1976, 19).
Tingnan kung ano ang maaari ninyong matutuhan mula sa sumusunod na mga turo ng mga pinuno ng Simbahan kung paano nilabanan ng Tagapagligtas ang tukso.