“Paano Ako Magtatayo sa Isang Tiyak na Pundasyon?,” Liahona, Peb. 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paano Ako Magtatayo sa Isang Tiyak na Pundasyon?
Itinuturo sa atin ng talinghaga ng taong matalino at ng taong hangal ang kahalagahan ng pagtatayo sa isang matibay na pundasyon hindi lamang sa pamamagitan ng pakikinig sa mga salita ng Panginoon kundi maging sa pagsasagawa ng mga ito (tingnan sa Mateo 7:24–27). Itinuturo sa atin sa Helaman 5:12 na ang ating mga espirituwal na pundasyon ay dapat itayo sa “bato na ating Manunubos, na si Cristo, ang Anak ng Diyos.” Ang pagtatayo sa isang matibay na pundasyon ay hindi madali. Ano ang ginawa ng matalinong tao para hindi matinag ang bahay niya? (tingnan sa Lucas 6:48).
Isiping rebyuhin ang ilan sa mga turo ng Tagapagligtas mula sa Sermon sa Bundok na nakalista sa ibaba. May isang partikular na turo ba na nahihikayat kang lalo pang ipamuhay? Paano mapapatibay ng turong iyon ang iyong relasyon sa Ama sa Langit at kay Jesucristo? Maaari kang gumawa ng isang plano na iangkop ang turong iyon sa buhay mo at pagnilayan ang iyong progreso sa paglipas ng panahon.
Pagpapakumbaba: Mateo 6:1–8, 16–18
Panalangin: Mateo 6:5–13
Pagpapatawad: Mateo 6:14–15
Mga Prayoridad: Mateo 6:19–24, 33; 7:6, 21–23
Magtiwala sa Diyos: Mateo 6:25–34; 7:9–11
Humatol nang matwid: Mateo 7:1–5, 15–20
Humiling nang may pananampalataya: Mateo 7:7–8
Kabaitan: Mateo 7:12
Pagsunod: Mateo 7:21–27