“Mangyayari ba ang mga Himala para sa Akin?,” Liahona, Peb. 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Mangyayari ba ang mga Himala para sa Akin?
Nagsagawa ng maraming himala si Cristo noong Kanyang ministeryo sa lupa, tulad noong gawin Niyang alak ang tubig sa piging ng kasal sa Cana (tingnan sa Juan 2:1–11). Tulad ng nababasa natin sa Bagong Tipan, ang mga himala ay laging isinasagawa sa kapangyarihan ng priesthood at pagsampalataya.
Maaaring iniisip ng ilan, pero paano ako mananampalataya na mangyayari ang mga himala para sa akin?
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Gawin ang espirituwal na gawain sa paghahanap ng mga himala. Hilingin sa Diyos sa panalangin na tulungan kayong magpakita ng ganoong uri ng pananampalataya” (“Ang Kapangyarihan ng Espirituwal na Momentum,” Liahona, Mayo 2022, 100).
Mga Alituntuning Sumasaklaw sa Pagsasagawa ng mga Himala
Ang ating Diyos ay isang Diyos ng mga himala: Juan 6:5–14; 1 Nephi 17:51; 2 Nephi 27:23; Mormon 9:15, 18–19
Pananampalataya at pagtitiwala sa Panginoon: Marcos 4:36–41; Mormon 9:20–27; Eter 12:12, 18; Moroni 7:33
Kapangyarihan ng priesthood: Alma 23:6; Mormon 9:17–18