“Tegucigalpa, Honduras,” Liahona, Peb. 2023.
Narito ang Simbahan
Tegucigalpa, Honduras
Dalawang lungsod sa Central District ang magkasamang nagsisilbing kabisera ng Honduras, Tegucigalpa at Comayagüela. Ang unang kongregasyon ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Honduras ay inorganisa noong 1953. Ngayon, ang Simbahan sa Honduras ay may:
-
183,400 mga miyembro (humigit-kumulang)
-
31 stake, 236 na mga ward at branch, 4 na mission
-
1 templo sa Tegucigalpa, 1 itinatayo sa San Pedro Sula
Kapayapaan sa Aming Tahanan
Sa San Pedro Sula, magkakasamang pinag-aaralan nina Daniel at Martha Herrera at ng kanilang anak ang mga salita ng mga buhay na propeta. “Kapag ginagawa namin ito, nakadarama kami ng kapayapaan sa aming tahanan,” sabi ni Daniel.
Iba pa tungkol sa Simbahan sa Honduras
-
Binisita ni Elder Bednar ang Honduras at ang iba pang mga bansa sa Central America.
-
Tinulungan ng pagsampalataya kay Cristo ang isang dalagita sa Honduras na sumulong sa kabila ng mga pagsubok.
-
Isang binatilyo mula sa Honduras ang nag-aaral tungkol sa kapangyarihan ni Cristo na magpagaling.